Vegetable vendor at Roadfill ng Moymoy Palaboy pasok sa susunod na round ng Asia’s Got Talent
Hindi nga inaasahan ni Roadfill Macasero ng duo na Moymoy Palaboy na makakatanggap siya at ang kanyang ka-duet na si Lola Fe ng standing ovation sa pagsali nila sa Asia’s Got Talent.
Hindi nga lang daw mula sa audience ang standing ovation kundi pati sa apat na judges na sina David Foster, Anggun, Melanie C. at Vanness Wu.
Nag-duet sina Roadfill at Lola Fe ng awiting Total Eclipse of the Heart ni Bonnie Tyler.
Nakilala ni Roadfill si Lola Fe na isang vegetable vendor sa Internet at nais niyang matulungan ito dahil pangarap nitong maging isang sikat na singer.
Natupad ni Roadfill ang wish ni Lola Fe dahil pinahanga nila ang buong audience pati na ang judges ng Asia’s Got Talent.
Pasok sila sa susunod na round ng Asia’s Got Talent dahil nakakuha sila ng 3 out of 4 yes, mula sa judges.
JC inutusang palakihin pa ang katawan
Marami ang nagsasabi na mas bagay kay JC Tiuseco ang maging kontrabida.
Sa teleserye na Pari ‘Koy, bumagay sa Kapuso hunk ang kanyang role bilang siga at barumbado.
Hindi raw nami-miss ni JC ang maging leading man dahil alam niya ang malaking pressure kapag ikaw ang bida ng isang proyekto.
“Mas pinapalaki pa nga nila itong katawan ko para mas siga ang dating ng role ko sa Pari ‘Koy.
“Tsaka ‘yung character ko naman sa Pari ‘Koy, may chance na magbabago siya. May redeeming factor kaya gustung-gusto ko ang role ko,” ngiti pa ni JC.
Ang nami-miss ni JC ay ang mag-host ng isang sports program. Dati kasi ay may sarili siyang sports show sa QTV 11.
Ngayong Sabado ay isa si JC sa maglalaro para sa malaking premyo sa Celebrity Bluff.
Jennifer Lawrence umayaw na sa X-men
Gusto na ngang mag-move on na ng Oscar winner na si Jennifer Lawrence sa paglabas bilang si Mystique sa X-men movies.
Sa naganap na red carpet premiere ng kanyang movie na Serena, sinabi ng Hollywood star na huli na raw ang pagganap niya as Mystique sa X-Men: Apocalypse.
“It is my last one, actually,” simpleng sagot lang niya.
Ayon sa rep ng aktres ay nais nang mag-move on mula sa X-Men franchise ni Lawrence. Tama na raw ‘yung ginawa niya ang X-Men: First Class, X-Men: Days of Future Past at itong X-Men: Apocalypse.
Out for new roles na si Lawrence tulad ng mga ginawa niya sa American Hustle at sa Oscar-winning role niya in Silver Linings Playbook.
Marami na raw kasing na-cast na mga bago sa new X-Men movie tulad nila Tye Sheridan, Alexandra Shipp at Sophie Turner.
- Latest