John Lloyd Cruz at Toni Gonzaga, may problema sa pera

MANILA, Philippines - Kung kailan papalapit na ang maaraw at masayang panahon ng tag-init, doon mararanasan nina John Lloyd Cruz at Toni Gonzaga ang isang matin­ding problema bilang mag-sweethearts na Romeo at Julie sa hit show na Home Sweetie Home ngayong Sabado (Marso 14). Naisugod sa ospital si Daddy V (Rico Puno) at kailagang mag-undergo ng coronary angioplasty. Kakailanganin nila ang malaking halaga para sa operasyon, ngunit aminado ang mag-asawa na hindi sapat ang ipon nila. Para ma-operahan na si Daddy V, humingi ng tulong pinansyal ang mag-asawa sa mga taong malapit sa kanila. Sino-sino kaya ang mga taong nilapitan nina Romeo at Julie? Alamin ngayong Sabado (Marso 14) sa Home Sweetie Home, 6PM!

Show comments