18 na anak kailangan pang mag-decide, Eric nahihirapan mag-manage ng mga ari-arian ni Dolphy
MANILA, Philippines – Naging silent auction daw ang nangyari sa isinagawang public auction ng properties ng yumaong ama na si Dolphy last January ayon sa anak niyang si Eric Quizon. Present si Eric sa thanksgiving lunch na ibinigay ng manager niyang si Dolor Guevarra kasama sina Carmina Villaroel at Zoren Legaspi kahapon sa Victorino’s.
Ayaw daw kasi ng bidders na maging public ang bid nila. Nagulat nga lang ang actor-director sa nadiskubre niya sa ilang mayayaman na bidder na sila pa ang kuripot kung mag-bid, huh! Ayaw na nga lang niyang ibisto pa kung sino ang mayayaman na bidders pero mahigpit din sa pera so private auction ang nangyari.
Ang magtayo ng Dolphy Museum sa lupa ng ama sa Tanay ang pupuntahan ng pagbebenta nila ng properties ng ama.
“Siguro forty percent ang nabenta. ‘Yung iba under negotiation pa. Which turned out okey naman. May properties na hindi ibininenta. Pero siyempre, we have to liquidate also,” sabi ni Eric.
Hawak pa rin ng pamilya ang gamit ng iba. Pinapa-catalogue pa nila ito.
Plano rin daw nilang magkakapatid na ilipat ang nitso ng ama. Isa ito sa pag-uusapan nilang magkakapatid.
Totoo ba ‘yung tsismis na binenta nilang palugi ‘yung properties?
“Hindi. Auction nga eh. Okey nga eh. Kasi ‘pag may offers na hindi okey, hindi namin tinanggap,” rason niya.
“The reason why we opted to go on auction, alam naming mas mabebenta siya ng mataas. Kasi ‘pag private, nambabarat talaga and you’ll be surprise kung sino ang nambabarat!” tugon ni Eric.
Aminado si Eric na mahirap mag-manage ng properties ng ama.
“We all have to decide. Ako lang ang administrator…In-appoint ako ng daddy ko! ha! Ha! Ha!
“It’s a difficult job kasi hindi lang ako ang magdi-decide. It has to be unanimous decision,” katwiran ng actor-director na kailangan ng desisyon ng 18 anak.
“’Pag merong nag-no, we will respect and then we will deliberate uli,” saad pa niya.
Wala bang may sumasama ng loob sa iba niyang kapatid?
“Surprisingly…Hindi maiiwasan ‘yon. Pero surprisingly, somehow, nagkakasundo kami parati,” sey ni Eric.
Ang common denominator nilang magkakapatid ay ‘yung promise sa ama na walang mag-aaway.
“So parati ‘pag may tumataas ng boses ng konti, ‘O, sabi ni Daddy..’” sabi niya.
Si Zsa Zsa ba may partisipasyon sa ginagawa nila?
“We still consult Zsa Zsa. Although she’s not naman an heir, ‘di ba? We always talk to her. I always talk to her. Kami ni Zsa Zsa parating magkausap,” tugon ng aktor.
Wala naman daw problema kung may bagong boyfriend si Zsa Zsa. Tutal naman, may anak ang daddy niya sa singer-actress at kasama sa 18 anak ang mga anak ni Zsa Zsa.
Sa ngayon, bukod sa paminsan-minsan na pag-arte, idinidirek ni Eric ang Passion de Amor para sa Kapamilya network.
Buong ningning na ipinagyabang Matet ramdam na ramdam ang pagmamahal ng Kapuso
Nakadama ng taus-pusong pagmamahal sa GMA Network si Matet de Leon na nakasama sa bagong weekly family-friendly drama na InstaDAD. Bida rito si Gabby Eigenmann pero wala silang love angle sa series.
“Tita ako rito ng mga bata! Saka buntis ako ng limang buwan. Eh, sabi sa akin, kahit nine months na ang tiyan ko, magti-taping pa rin ako!
“Kaya naman hindi ko itinatanggi na naramdaman ko ang tunay na pagmamahal sa Kapuso Network!” pagmamalaki ni Matet sa press launch ng programa na magsisimula sa Marso 14.
Bukod kina Gabby at Matet, tampok ang tatlong teen stars ng Kapuso na sina Gabbi Garcia, Ash Ortega, at Jazz Ocampo.
Sa pagkakaroon ng bagong programa ni Gabby sa InstaDAD bukod sa primetime series na Pari ‘Koy, hindi nakapagtataka kung mainggit sa kanya ang ibang aktor, huh!
- Latest