Matagal nang for sale ang bahay ni Congressman Manny Pacquiao sa Hancock Park, California. Hindi ako sure kung naibenta na niya ang bahay na nagkakahalaga ng US$2.7 million.
May isa pang bahay si Papa Manny sa Palazzo, La Brea at ito ang madalas na puntahan ng kanyang fans at supporters.
Parang piyesta ang atmosphere sa Palazzo dahil dito tumatambay ang entourage ni Papa Manny. Madaling puntahan ang Palazzo kaya ito rin ang palaging sinasadya ng mga Hollywood celebrity na type makita nang personal ang Pambansang Kamao.
Napag-uusapan ang mga property ni Papa Manny sa California dahil sa balita na may balak siya na bilhin ang dating bahay ni Jennifer Lopez sa Beverly Hills.
Ang tsismis, US$12 million ang presyo ng sosyal na bahay pero tumatawad pa si Papa Manny.
Halos P500 million ang equivalent ng 12 million dollars sa Philippine currency. Ganyan ka-rich si Papa Manny na gustung-gusto ang former house ni Lopez dahil mahigpit ang security as in hindi ito basta mapapasok ng mga tao.
Na-trauma yata si Papa Manny sa bahay nila sa Hancock Park na napasok noon ng mga hindi kilalang tao, kahit ipinapatupad ang mahigpit na seguridad.
Maraming beses nang na-feature sa mga magazine at TV show ang bahay ni Papa Manny sa Hancock. Madalas na walang tao sa bahay ng mga Pacquiao kaya nagkalakas-loob ang mga magnanakaw na pumasok. Nangyari ang insidente noong September 2011 at apat na tao ang nahuli pero hindi malinaw kung alin sa mga gamit ng mga Pacquiao ang natangay at nabawi rin mula sa mga magnanakaw.
Carmina at Zoren kasama sa may pinakamaraming endorsement
Mababaw lang ang kaligayahan ko kaya kuntento na ako sa loot bags na ipinamigay kahapon sa presscon ng InstaDad at sa Thanksgiving lunch nina Eric Quizon, Carmina Villarroel, at Zoren Legaspi.
At bilang sina Carmina at Zoren ang may pinakamarami na product endorsements, siksik, liglig, at umaapaw ang loot bags na ipinamahagi nila sa entertainment press.
May laundry soap, cooking oil, shampoo, toothpaste, gift certificates ng Selecta ice cream, at kung anik-anik pa. Daig ko pa ang nagpunta sa supermarket dahil sa rami ng mga bitbit ko na grocery items. Thank you sa kanilang manager na si Dolor Guevara na matiyaga na inipon at isinilid sa bag ang mga grocery item.
Jolo dumalaw na agad kay Bong
Si Jolo Revilla ang kinukumusta sa akin ng mga reporter nang dumalo ako sa Thanksgiving presscon ng mga alaga ni Dolor Guevara at sa presscon ng InstaDad ng GMA-7.
Sinabi ko sa mga reporter na totoo ang balita na lumabas si Jolo mula sa Asian Hospital and Medical Center noong Linggo at magpapalakas na lamang siya sa bahay nila sa Ayala Alabang.
Maayos na ang kalagayan ni Jolo at kung hindi nagbago ang isip niya, kahapon ang naka-schedule na pagdalaw niya sa kanyang tatay na si Senator Bong Revilla, Jr. na nakakulong sa PNP Custodial Center ng Camp Crame.
Eksaktong isang linggo kahapon mula nang bisitahin ni Bong si Jolo sa Asian Hospital and Medical Central. Ito ‘yung araw na biglang naging maselan ang kalagayan ni Jolo at mukhang tama ang duda ko na epekto lamang ‘yon ng halu-halong emosyon nang magkita sila ng tatay niya.