^

Pang Movies

Sobrang binusisi ang eksena, kinunan lahat ng anggulo pagsayaw ni Maja sa harap ng mga lalaki inabot ng 15 takes

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Pinag-uusapan ngayon ang role na ginagampanan ni Maja Salvador sa kanyang bagong seryeng Bridges of Love. Siya ang babaeng pag-aagawan ng magkapatid na nagkahiwalay noong bata pa sila. Ang isa na ginampanan ni Jericho Rosales ay nabuhay sa hirap. Iyong isa naman na ginampanan ni Paulo Avelino ay naampon ng mayaman.

Nakita ng magkapatid si Maja na star dancer sa isang night club. Iyon ang mas pinag-uusapan ngayon. Papaano nga ba nagawa ni Maja ang role na iyon?

May nagawa na rin namang role na medyo off beat si Maja, sa Legal Wife. Pero doon ay arte lamang. Dito sa Bridges of Love, bilang isang sexy dancer kailangan niyang magpa-sexy talaga. At sinasabi nga nila na doon daw sa mga eksenang iyon ay gumamit sila ng kung ilan-ilang camera, at ang shots ay inabot ng “take 15”. Ibig sabihin, talagang binusisi nang husto ang eksenang iyon kung saan ipinakitang nagsasayaw siya ng sexy. Gumamit sila ng maraming kamera para makuha lahat ng anggulo.

Palagay namin, sa actual run ay walang ilang minuto iyan, pero talagang pinagbuhusan nila ng oras. Iyan ang isa sa mga highlight ng kanilang palabas.

Pero kung inaakala naman ninyo na ganoon katindi, hindi rin naman dahil talagang iningatan naman nila si Maja sa mga eksenang iyon. Una, sinabi nga ni Maja na ipinasuot sa kanya sa mga dance sequences ay sexy, pero hindi naman kagaya noong ginagamit ng mga sexy dancer sa clubs. Ikalawa, may suot din naman siyang body stockings. Ibig sabihin, hindi mo masasabing naghubad siya talaga. Hindi naman papayagan ang ganun sa telebisyon kung may makikitang hubaran na mga eksena.

Pero palagay namin, ang isa pang magdadala talaga sa seryeng iyan ay ang mismong kuwento, na mukhang kakaiba sa mga seryeng napanood na natin. Marami silang surprises eh, lalo na doon din sa role na ginagampanan ni Carmina Villaroel.

Dapat tularan Kitchie Nadal P799 lang ang sinuot na wedding gown

Natawag ang aming pansin ng mga balita tungkol sa pagpapakasal ng singer at song writer na si Kitchie Nadal sa kanyang boyfriend na si Carlos Lopez. Si Carlos ay isang worker na nakasama sa isang NGO na gumagawa ng mga tirahan para sa mga mahihirap. At iyon ang dahilan kung bakit nakarating siya sa Pilipinas at nakilala si Kitchie. Si Carlos ay isang Kastila.

Natawag ang aming pansin dahil sa mga kuwento na ang wedding gown na ginamit ni Kitchie ay isang puting damit na nabili niya sa isang boutique sa Makati na nagkakahalaga lamang ng P799. Para sa ganoong halaga, ordinaryong gown lang iyon. Pero kung makikita ninyo sa mga pictures, talagang maganda naman si Kitchie sa araw ng kanyang kasal.

Ganyan naman dapat ang isang kasal. Dapat simple lamang dahil ang mahalaga roon ay hindi kung anong damit ang kanilang suot, o gaano kabongga ang mga pagkaing kanilang ihahanda, maging kung gaano karami ang kanilang mga imbitadong bisita.

Ang mahalaga ay nagmamahalan sila at nagkakasundo ng tapat. Hindi kailangan ang napakaraming pari at obispo sa isang kasal. Isa lamang ministro ng kasal ay sapat na. Ang pari o ministro naman ay tumatayo lamang saksi para sa simbahan na talagang nagkakasundo nga silang dalawa na magsama habang buhay.

Iyang ginawa ni Kitchie Nadal ay kahanga-ha­nga. Hindi lamang niya ipinakita kung ano ang practical at kung ano ang tamang values talaga. Kumbaga nga sa pagkain, hindi mahalaga ang icing, ang mahalaga ay iyong cake.

BRIDGES OF LOVE

ISANG

KITCHIE NADAL

KUNG

MAJA

NAMAN

PERO

SI CARLOS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with