Nasa Los Angeles, California na ngayon si Pambansang Kamao Manny “Pacman” Pacquiao para masimulan ang kanyang ensayo para sa May 2 big fight niya with Floyd Mayweather Jr. sa Las Vegas, Nevada.
Pagkarating ni Pacman sa LAX ay agad siyang pinapasok sa isang black SUV at wala siyang nakausap ni isang reporter na nag-abang sa kanyang pagdating.
Very accommodating si Pacman pagdating sa mga interview at wala siyang tinatanggihan na reporter. Pero sa pagkakataong ito ay pinadaan siya ng immigration officials sa ibang exit para raw makaiwas sa anumang kaguluhan sa arrival area ng LAX.
Nagsimula na ang official training ni Pacman last March 2 sa kanyang paboritong Wildcard Gym. Kasama niya ang kanyang assistant trainer at strength and conditioning coach.
Darating naman sa U.S. on March 9 ang kanyang trainer na si Freddie Roach. Kasalukuyan raw kasing nasa China ito at may tine-train doon na isang Chinese fighter.
Sarado ang Wildcard Gym sa publiko habang nagte-train doon si Pacman.
Kaya ang nakasanayan na ng fans ni Pacman na kinukunan ng video at photos habang magte-training ay ipinagbawal muna dahil highly confidential daw ang mga bagong boxing moves nito at hindi ito dapat malalaman ng kampo ni Mayweather.
Gabby iniwan ang pagiging ‘pari’ para maging kontrabida ni Dingdong
Natuwa at nalungkot at the same time si Gabby Eigenmann dahil sa pagpaalam niya sa teleserye na Once Upon a Kiss para isama siya sa cast ng Pari ‘Koy na pinagbibidahan ni Dingdong Dantes.
Ayaw sanang iwan ni Gabby ang kanyang priest role sa Once Upon a Kiss, pero ayaw din niyang pakawalan ang muling makatrabaho si Direk Maryo J. Delos Reyes.
Huling nakatrabaho ni Gabby si Direk Maryo sa Munting Heredera kung saan napansin nang husto ang pagganap niya bilang isang kontrabida.
“That’s one reason I accepted Pari ‘Koy, because of Direk Maryo. Gusto ko ulit siyang makatrabaho talaga. And of course, comeback teleserye ito ni Dingdong and I want to be a part of it,” ngiti pa ni Gabby.
Bukod nga sa Pari ‘Koy ay may isang weekly show din si Gabby sa GMA-7 every Sunday titled Insta-Dad.
Nag-turn 37 si Gabby last March 2 at medyo malungkot nga raw ang birthday niya this year dahil wala na nga ang ama niyang si Mark Gil.
Simple dinner lang daw kasama ang kanyang pamilya at mga kapatid ang gagawin ni Gabby.
Ni ayaw banggitin ang pangalan Taylor Swift mainit pa rin ang dugo kay Katy Perry
Tuloy pa rin ang alitan sa pagitan nina Taylor Swift at Katy Perry.
Sa isang interview ni Taylor, sinabi nito na never daw niyang pag-uusapan si Katy o mabanggit man lang ang pangalan nito.
“I’m not giving them anything to write about. I’m not walking up the street with boys. I’m not stumbling out of clubs drunk. But I’m never going to talk about her in my interview. It’s not going to happen,” diin ni Taylor.
Kung meron daw siyang gustong pag-usapan, ito ay ang kanyang mga tunay na kaibigan na sina Gossip Girl star Jessiza Szhor, Lena Dunham (star of the HBO series Girls), supermodels Karlie Kloss and Jamie King, singer Lorde and Oscar nominee Emma Stone.
“It’s not real if someone appears to never have any issues with anyone. I have my friends. I have enemies. I have bad days when I don’t want to go to a photo shoot, but I’m not going to show up four hours late.
“I’m going to be there on time. I’m not nice all the time but I try not to be carelessly rude to people who don’t deserve it.
“When I’m with my friends, we don’t say glowing things about everybody. We’re not sitting around going, ‘You know who’s really special and wonderful?’ That’s not what we talk about—we’re normal girlfriends.
“The thing about my girlfriends right now is that none of them needs me for anything other than friendship. I love the fact that they are all passionate about their jobs, whatever their jobs are.
“A lot of celebrity-type people have this group of people around them where their friends’ main priority is them, and they feel comfortable with that dynamic. I don’t feel comfortable with that dynamic.”