Marian hindi pa sanay tawaging Mrs. Dantes, Dingdong nangingiti ‘pag naiisip na hindi na single ang status
Ang mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera-Dantes ang first guests sa season six ng The Tim Yap Show at maraming kilig moments ang mag-asawa sa mga tanong sa kanila ni Tim. After the wedding and honeymoon ang questions like ‘ano ang feeling ngayong mag-asawa na sila’. Nagugulat pa raw si Marian kapag tinatawag siyang Mrs. Dantes at napapangiti sa realization na kasal na nga pala siya kay Dingdong. Napapatigil naman si Dingdong when he is filling up a document na pagdating sa civil status, napapangiti siya dahil hindi na nga pala siya single.
Nakumusta ni Tim ang ama ni Marian na na-meet niya sa wedding then sa honeymoon ng mag-asawa na kasama ang Papa Fran Gracia niya sa Boracay. Promise raw ng papa niya, babalik muli sa Pilipinas kapag nalamang preggy na siya. Magkaanak agad ang gusto ng mag-asawa kaya may pangalan na raw ba sila if ever. Napag-uusapan na rin daw nila iyon, pero hindi pa nila alam kung magiging Jose Sixto IV if boy ang magiging anak nila pero kapag girl, lagi raw magkakaroon iyon ng Maria.
Simple ang wishes nila sa isa’t isa. Si Dingdong, gusto na hindi mawawalan ng charge ang cell phone kaya raw lagi siyang may dalang powerbank para lagi niyang nakakausap ang asawa. Si Marian naman, gustong siya ang maglilinis ng room nila hanggang banyo dahil therapeutic na raw iyon sa kanya, gusto niya laging malinis. Hindi rin siya nagbubukas ng ilaw habang natutulog pa si Dingdong. Iisa ang wish nila na parehong maging malakas para sa trabaho at pagtulong sa kapwa sa pamamagitan ng kani-kanilang advocacies.
Forevermore babalikan ang Tuba
Matagal-tagal na rin kaming hindi nakakaakyat ng Baguio City, kaya na-enjoy namin ang kahit two days na vacation with some members of our group, Enpress, Inc. Thank you sa bagong friend namin na si Mario Rosete ng Baguio City Tourism dahil dinala niya kami sa mga lugar doon na malaki na ang improvement tulad ng Mines View Park na ang ganda-ganda na.
Dinala niya rin kami sa location site ng taping ng Forevermore nina Liza Soberano at Enrique Gil sa Mt. Kabuyao, Tuba, Benguet na 5,500 ft. above sea level. Parang walang katapusan ang pag-akyat namin dito kasabay ng makapal na fog kaya natakot ang ilan naming kasama dahil walang makita sa dinaraanan.
Ayon kay Mario, nakatulong daw ang environmental fee na sinisingil kapag pumapasok sa site dahil maraming improvement na ang nagagawa sa lugar. Hindi naman kami siningil ng bayad nang malamang sa media kami. Nag-ask na lamang sila ng donation. Balitang babalik muli ang taping ng teleserye ng Forevermore doon na kahit matagal nang natapos gamitin ang lugar, marami pa rin ang umaakyat, dahil breathtaking naman talaga ang tanawin.
Pero nadiskubreng maraming multo lupa ni Dolphy sa Benguet bibilhin sana ng HK Disneyland!
Naging successful pala ang pa-auction ni Eric Quizon na siyang kumatawan sa Quizon Family sa pagbebenta ng mga lupa ng ace comedian na si Dolphy sa iba’t ibang lugar sa Luzon. Ayon kay Mario, unang-una at madaling naibenta ang ilang ektaryang lupa ni Dolphy sa Baguio na taniman ng Benguet oranges.
Isang dating hotel naman daw doon ang bibilhin sana ng Hong Kong Disneyland pero nang ipa-feng shui, marami raw mga spirits na nakatira roon kaya hindi natuloy.
- Latest