Ginawang Global Director ng One Billion Rising Monique Wilson kinarir na ang pagiging aktibista

Mas vocal na nga ang actress-turned-activist na si Monique Wilson sa kanyang pakikipaglaban para sa kababaihan sa pamamagitan ng global movement na One Billion Rising.

On February 14, na kung tawagin ng kanilang grupo ay V-Day, magkakaroon ng event ang One Billion Rising kasapi ang women’s group na Gabriela sa Bonifacio Shrine in Manila para magsilbing kick off sa annual International Women’s Day on March 8.

Sey ni Monique na isang malaking pagtitipon ito ng maraming cause-oriented groups at hindi lang ang Gabriela.

“We will have a march to the Bonifacio Shrine. More than 20 schools will participate in our dance-athon. That is our dance for freedom and rising for the truth. Our dance is called Bangon sa Rebolusyon.

“We will also have different speakers. These are the brave women who are standing up for truth and accountability that we all seek from the government.”

Si Monique na nga ang inilagay sa posisyon bilang Global Director ng One Billion Rising. Masyado raw na-impress at na-inspire ang mga tao sa likod nito, including Eve Ensler of the Vagina Monologues, sa pag-organize ni Monique ng movement na ito sa Pilipinas.

As global director ay nakakatanggap si Monique ng higit na 11,000 e-mails a day. Galing nga ang mga ito sa iba’t ibang OBR communities sa buong mundo.

“They send me their photos, videos and what they have been doing sa kanilang mga risings. They make shirts and posters as well.

“Others naman e-mail me asking for guidance on how to start their rising. It really has become a global community.”

Masigasig si Monique na pag-aralan ang epekto ng violence sa mga kababaihan ngayon.

Sa sariling pamilya kasi ng aktres ay nasaksihan niya ang pagiging abusive ng kanyang amang si Johnny Wilson sa kanyang ina.

“We have different forms of experiences with violence. In my family, I saw how my dad was abusive to my mom, not just verbally but physically and emotionally as well.

“Yung mom ko parang nawalan na siya ng boses and she would just keep quiet and always say yes.

“Masyadong malakas ang sexism sa culture natin. ‘Yung machismo na kung tawagin is so deep. Double standard parati.

“Kaya bata pa lang ako ay nakikita ko ‘yun nangyayari sa mom ko, I knew na hindi tama iyon. Kasi she just took it like that.

“Even sa aming mga magkakapatid, mas napapaboran ang lalaki. Like my brother would be allowed to do many things, pero kaming mga babae, hindi puwede. I always felt that kind of inequality and that woke me up somehow.

“I was always rebellious against my dad. He wouldn’t allow us to speak up or to talk about problems in our family. He never wanted me to study in UP because sasali lang daw ako sa Gabriela and I would be a radical activist.

“Well nangyari na nga, ‘di ba?” natatawang pagtatapos pa ni Monique Wilson.

Eugene may pasabog na regalo kay Jose?!

Isang special day para sa comedian and TV host na si Jose Manalo ang Araw ng mga Puso dahil ipagdiriwang niya ang kanyang kaarawan sa award-winning game show ng GMA-7 na Celebrity Bluff.

Bilang bahagi ng kanyang birthday celebration, ang mga taong malalapit sa puso ni Jose ang tatlong pares na maghaharap-harap sa pagkakataong manalo ng kalahating milyong piso.

Hindi rin dapat palampasin ang regalo ni Eugene Domingo kay Jose.

Siguradong puno na naman ng kilig at katatawanan ang hatid ng paboritong JoGe loveteam sa mga fans ng Celebrity Bluff na nasa ika-season 9 na.

Show comments