Kinumpisal ni William, Yayo Aguila may ibang asawa na!

MANILA, Philippines - Maraming kinumpisal si William Martinez nang humarap ito sa ilang press. Marami siyang kuwento.  Ang iba ay naka­kagulat gaya ng matagal na silang hiwalay ng misis niyang si Yayo Aguila. “May iba na siya ngayon,” kumpisal niya.

Ang apat na anak nila ay na kay Yayo lahat. Nagbibigay ba siya ng sustento sa kanila? “Hindi. Wala akong kakayahan sa ngayon. Binubuhay ko lang ang sarili ko. Pero malapit lang ang bahay ko sa kanila. Kung minsan, dinadalaw ako ng mga anak ko. Nagkakausap kami ni Yayo ‘pag tungkol sa mga anak namin ang pag-uusapan.”

Kumusta naman ang anak niyang si Patricia? “Okey na siya pagkatapos ng kaso niya kay Baron Geisler. Natalo si Baron sa kaso. Kasi nga grabe pala siya kapag nalalasing, kaya inireklamo ng anak ko.”

Heart naniniwalang matatanggap din ng mga magulang si Sen. Chiz

Handa na si Heart Evangelista sa kasal nila ni Sen. Chiz Escudero. Gawa na nga ang isusuot niyang pangkasal. Handa na rin siyang magmartsa sa altar nang solo. Bakit solo? Dahil hindi raw a-attend ng kasal ang tatay at nanay niya. “Up to now kasi, hindi pa nila matanggap ang mapapangasawa ko,” pahayag ni Heart sa isang interbyu.

Pero naniniwala siyang dara­ting din ang araw na matatanggap din ng parents niya si Chiz. Kapag nakita nilang isa itong ideal husband after all. “Hindi naman aabutin ng matagal na panahon. Lalambot din ang puso nila para sa husband ko. Maaaring next year o sa susunod pa o kahit kailan. Pero hindi ‘yun magtatagal. ‘Pag makikita nila akong masaya sa piling ng mahal kong mister, bakit naman nila ipagkakait ang blessings nila?”

Show comments