Si Kris Aquino ang source ng balita na nakatanggap siya ng phone call mula kay Papa Joseph Estrada na nag-apologize dahil sa pang-ookray kay Kris ng kanyang mga anak.
Hindi talaga napanindigan ni Kris ang nakasulat sa kanyang statement shirt na “How beautiful it is to stay silent when someone expects you to be enraged.”
Hindi natin masisisi si Kris sa pagkukuwento niya sa pagtawag sa kanya ni Papa Erap para mag-sorry dahil victory ‘yon para sa kanya. Hindi na niya kailangan sagutin o patulan ang pang-ookray ni Jerika Ejercito dahil enough na ang paghingi ni Papa Erap ng paumanhin.
Statement ni Kris hindi pinalampas ng aktibista
Hindi pinalampas ng activist na si Mae Paner ang statement shirt ni Kris.
Winner din ang statement shirt ni Mae na may nakasulat na “How beautiful it is to be enraged when everyone begs you to be silent” na malinaw na patama niya kay Kris.
Para raw ‘di na lumaki
Singer-actor pinakiusap na ’wag nang ilabas ang patama niya kay P-Noy
Nakiusap ang kampo ng isang singer/actor na huwag nang ilabas sa TV ang statement niya tungkol kay P-Noy para hindi na lumaki ang isyu.
Pinagbigyan ng isang major TV network ang request ng kampo ng singer/actor pero ipinalabas sa ibang mga TV station ang interbyu sa kanya.
Lumabas din sa mga diyaryo ang mga sinabi ng singer/actor dahil hindi yata natawagan ng representative niya ang mga reporter na nag-interbyu sa kanya.
Kris itinatago ang ‘nangyari’ sa kanila ni AiAi
Wondering ako bakit hindi inilabas noon ni Kris Aquino sa publiko ang text message sa kanya ni AiAi Delas Alas nang magkaroon sila ng falling out dahil sa hindi niya pakikiramay nang mamatay ang biological mother ng Comedy Concert Queen.
Afraid ba si Kris na malaman ng mga tao ang mga nakakaloka pero may katotohanan na text message kay AiAi?
Kris naging bida sa Fallen 44
Totoo naman ang tanong ko kahapon sa Startalk na bakit parang nagsisimula at nagtatapos kay Kris ang mga isyu eh hindi naman siya kasali sa mga biyuda ng Fallen 44?
Nag-unfollow lang sa social media accounts ng ibang mga artista, headline na kaagad sa mga balita? Kasalanan din naman kasi ng mga tao kaya nag-e-enjoy si Kris sa mga ginagawa nito.
Kiyeme-kiyeme na naiirita sila kay Kris pero patuloy naman sila sa pagtangkilik sa mga ginagawa niya.
Si Kris pa naman, enjoy na enjoy kapag siya ang sentro ng mga atensyon. Imagine, nakikipag-agawan siya ng space sa kanyang kapatid na president ng Pilipinas? Victory ‘yon para sa kanya.
‘Gusto lang pinag-uusapan’
Naalaala ko tuloy ang nangyari noong 1994 nang gumawa ako ng kagagahan.
Imbyernang-imbyerna sa akin noon ang mga tao at mahigit isang buwan na ako ang frontpage ng mga diyaryo.
Nag-resign ako noon bilang manager ng mga alaga ko pero hindi naman sila pumayag.
Ano ang ginawa ni Kris? Kinuha niya ako bilang manager at big issue ‘yon noon.
Looking back, nagmalisya ako na sinadya ‘yon ni Kris para maagawan ako ng eksena dahil kahit hindi siya involved sa scam, pinag-uusapan din siya!