^

Pang Movies

Pelikula ni Lee Min Ho na Anak ang theme song, ipapalabas sa ‘Pinas

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Maaari nang mapanood ang mga Asian movies sa mga SM and Walter Mart Cinemas sa buong bansa. Noong Thursday, February 5, pumirma na ng contract sa pagitan nina Boss Vic del Rosario, Chairman of the Board at CEO ng Viva Communications at Viva International Pictures at Edgar C. Tejerero, president of SM Lifestyle Entertainment, Inc. para sa pagbuo ng SineAsia. Dito maipalalabas ang mga pelikulang gawa sa Asia tulad ng Korea, Japan, Hong Kong, Thailand, Taiwan, at India, dubbed in Tagalog. Inamin ni Mr. Tejerero na sa rami ng mga SM Cinemas, hindi nila malagyan ito ng maraming Tagalog movies dahil kakaunti ang napu-produce na pelikula, mula 30 to 40 movies a year lamang. Kahit ang mga foreign movies ay hindi rin naman ganoon karami ang dumarating sa bansa. Kaya hindi raw maapektuhan ang mga local films kung ipalalabas sa big screen dahil sa rami nga ng kanilang mga sinehan sa bansa.

Sa opening ng SineAsia sa March 4, itatampok ang pelikula ng Korean Superstar na si Lee Min Ho na Gangnam Blues. Nangako ang Sine­Asia executives na darating sa bansa ang bida ng box-office hit movie na ang theme song ay ang awiting Anak ni Freddie Aguilar. Ayon pa rin kay Mr. Tejerero, bumuo sila ng SineAsia Thea­ter na idinisenyo ayon sa oriental na tema upang magbigay ng kakaibang karanasan sa mga ma­nonood. Iyong malalaking sinehan din nila ay hinati para sa 200–250 seaters lamang. Kukuha rin daw sila ng mga local celebrities na magda-dub ng mga pelikula in Tagalog. Sa ngayon, may 20 mo­vies in original contents na ang nasa SineAsia.   

Programa ng PLDT na KaAsenso maraming natutulungan

Masuwerte ang mga kasama naming entertainment press na sina Rowena Agilada, Emy Abuan, Glen Sibonga at Ricky Gallardo, dahil sila ang nanalo ng tig-iisang unit ng PLDT KaAsenso Cyberya, sa pa-raffle ng latest campaign ng PLDT para sa mga minigosyantes. Sa pangunguna ni Gary Dujali, PLDT Vice President and Head of Home Marketing, ipinaliwanag niya na ang mga bago nilang produkto at ser­vices ay inayon nila para sa mga pangangailangan ng mga Filipino minigosyantes, tulad ng package na Plan 1888, ang Store Watch sa halagang P99 per month, makikita ang live feeds sa inyong business sa paggamit lamang ng smartphones, tablet o laptop, masusubaybayan na nila ang mga nangyayari sa kanilang business kahit saan sila naroon. Ang WiFi Zone naman for P299 service fee, ay makapagbibigay ng WiFi access sa inyong mga customers para bisitahin ang inyong mga store.

At ang latest nga nilang PLDT KaAsenso Cyberya, ay una naming napanood sa Eat Bulaga segment nilang Juan For All All For Juan na ibinibigay sa mga contestants na napili nila. Isa itong all-in-one Internet café package na may kasamang computer set, cabinet at coin-operated timer at powered by PLDT Home DSL. Ayon pa rin kay Gary, nakakatanggap na sila ng magandang feedback mula sa mga gumagamit na ng Cyberya na malaki na ang naitulong sa kanilang kabuhayan.

For more information tungkol sa PLDT KaAsenso at sa upgraded services nila para sa mga minigosyantes, log on to pldtkaasenso.com.

AYON

CHAIRMAN OF THE BOARD

CYBERYA

EAT BULAGA

EDGAR C

MR. TEJERERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with