^

Pang Movies

Empress tanggap na hindi na siya kailangan ng Kapamilya!

- Vinia Vivar - Pang-masa

Sa paglipat ni Empress Schuck sa GMA-7 ay sumabak na ang young actress sa mature and daring roles. Ginagampanan niya sa seryeng Kailan Ba Tama ang Mali na magsisimula na sa Feb. 9 sa afternoon slot ng Kapuso, ang role ni Sonya, isang babaeng na-in love kay Leo na ginagampanan ni Geoff Eigenmann sa kabila na may asawa na ito.

First time ni Empress na magkaroon ng bed scenes and intense kissing scenes na hindi niya ginawa noong nasa ABS-CBN siya.

“Dati kasi, hindi talaga ako pumapayag sa ganu’n kasi bata pa talaga ako. Eh ngayon, magtu-twenty two na ako, so I think naman, it’s about time,” saad ni Empress.

Hindi naman daw niya sinasabing goodbye forever na sa tweetum roles at siyempre, depende pa rin sa materyal na ibibigay sa kanya.

Last December lang lumipat si Empress sa Kapuso network. Actually, noong bata siya ay sa GMA-7 siya unang gumawa ng mga serye at taong 2006 nang lumipat sa ABS-CBN kung saan siya nahasa at nakilala talaga bilang mahusay na aktres.

Ayon kay Empress, naging loyal daw siya sa ABS-CBN pero nasaktan siya nang hindi na siya bigyan ng mga proyekto at hindi na i-renew ang kanyang kontrata.

“Magda-dalawang taon na akong walang show, so ayun, si Tita Becky (Aguila, her manager), sabi niya, why not daw na subukan dito, so ayun. Lumipat ako last December and nag-taping na ako agad.

“Nagpaalam kami nang maayos (sa ABS-CBN), tinanong namin kung okay sa kanila, at sabi nila okay lang daw, so siguro, ‘yun na talaga ‘yung sign. Sila na mismo ‘yung nagsabi na okay lang. Eh ‘di okay po. Mas maganda na may approval talaga nila,” pahayag ni Empress.

Nang lumipat siya ng Disyembre ay binigyan na agad siya ng serye at sumabak na siya agad sa taping.

Happy si Empress na isang magandang project agad ang ibinigay sa kanya kaya naman ibibigay daw niya ang kanyang makakaya.

Kasama rin sa KBTAM sina Max Collins at Dion Ignacio mula sa direksyon ni Gil Tejada, Jr.

Bea hirap sa relasyon nila ni Jake

Sa presscon kahapon ng pelikulang Liwanag sa Dilim ay marami ang nakapansin na parang may tampuhan ang JaBea loveteam na sina Jake Vargas at Bea Binene na bida ng movie.

Malungkot kasi ang aura ng dalawa during the open forum at kapansin-pansin din na parang hindi sila masyadong nag-uusap. May nakapansin din na nang pumasok daw sa venue (Max’s Sct. Tuazon, Roces) ang dalawa ay hindi man lang inalalayan ng young actor ang girlfriend.

Kaya naman sa Q&A portion ay hindi sila tinantanan ng entertainment press sa katatanong kung break na ba sila. At first ay si Jake lang ang sumasagot at ang lagi niyang sinasabi, “okay naman kami.” Pero parang hindi naman ‘yun ang nakikita sa mga hitsura nila kaya naman talagang kinulit sila hanggang sa finally ay inamin na rin ni Bea ang sitwasyon nila ngayon.

“Parang ang hirap i-turn into words,” sabi ni Bea. “Basta kung anuman kami ngayon, okay kami, at kumbaga, nasa pahahon lang ‘yan. Kung anuman ‘yun, maayos din naman for sure. Maayos din ‘yun kahit ano po ‘yun. Basta kami, okay okay kami,” dagdag ng young actress.

Nang matanong si Jake, agree na lang daw siya sa sinabi ni Bea.

So, mayroon silang inaayos? May pinagdadaanan sila ngayon?

“Opo, pero okay po kami,” say ni Jake.

Pero hoping naman siya na maayos kung anuman ‘yun?

“Opo naman,” sagot ng young actor.

Showing na sa Feb. 11 ang Liwanag sa Dilim mula sa direksyon ni Richard Somes.

BEA

BEA BINENE

DAW

DILIM

DION IGNACIO

NAMAN

OKAY

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with