Julia ibang level ang ipinakitang pang-aakit sa lalakI!
Marami nang naghihintay kung gaano ka-daring si Julia Montes sa Halik sa Hangin, ang first movie niyang may kakaibang love story. First time makakatambal ni Julia sina Gerald Anderson at JC de Vera at gagampanan niya ang role ni Mia na sa kauna-unahang pagkakataon will fall in love hindi lamang sa isa, kundi sa dalawang lalaki na dadalhin siya sa ibang level ng seduction, passion at obsession, na magpapabago sa kanya.
Tiwala naman daw si Julia sa director nilang si Manny Palo kaya wala siyang tanong kung anuman ang ipinagagawa sa kanya. Plus, pareho namang very gentleman ang dalawa niyang katambal. May mga nagtatanong kung horror story raw ba ang Halik Sa Hangin na opening salvo ng Star Cinema for 2015. Masasagot lamang iyan sa Wednesday, January 28, first day ng pelikula sa takilya na nagtatampok din kina Edu Manzano at Ina Raymundo. May premiere night sila bukas, Tuesday, sa SM Megamall, 7:00 p.m.
Robin dinadamdam pa rin ang kinahinatnan ng Bonifacio
Hanggang ngayon ay dismayado at nagrereklamo si Robin Padilla dahil ang kanyang pelikulang Bonifacio, Ang Unang Pangulo na ang puhunan ay inabot ng isandaang milyon at inendorso ng DepEd ay mabilis na na-pull out sa mga sinehan. Kaya nang magbalikan daw ang mga estudyante sa iskuwela, hindi na nila napanood iyon dahil wala na nga sa mga sinehan. Para ano pa nga naman ang endorsement na ginawa ng DepEd?
Pero hindi naman bago sa industriya si Robin. Alam naman niya ang kalakaran dito. Gusto niyang kumita, gusto rin namang kumita ng mga sinehan. Kung may ilalabas na ibang pelikula na mas kikita sila, natural iyon ang ilalabas nila dahil malaki rin naman ang puhunan sa pagtatayo ng mga sinehan. Mahal ang singil sa kuryente at hindi naman puwedeng wala silang aircon. Kaya iniisip din nila kung saan sila mas kikita.
Iyon ang dahilan kung bakit ang malalakas na pelikula ay nakakakuha ng napakaraming mga sinehan, at iyong mahihina ay binabawasan. Isa pa, iniiwasan din naman nila ang pagbabayad pa ng mga producers ng minimum guarantee. Iyong minimum guarantee ay halos pambayad lamang sa kuryente, lugi pa ang sinehan. Iyong producer naman ng pelikula, wala nang kinita, magbabayad pa. Kaya kung mahina talaga, inaalis na lang nila para iyong gustong manood magpunta na lang kung saan mang sinehan inilalabas pa iyon, darami ang mga tao at kikita ang producers at ang sinehan.
- Latest