Walang Tulugan with the Master Showman tuluy-tuloy pa rin

MANILA, Philippines - Pinabulaanan ng GMA7 ang mga naglalabasang balita na mawawala na sa ere ang  late-night variety talk show ni German “Kuya Germs” Moreno na Walang Tulugan with the Master Showman. Sa katunayan ay siniguro ng top management ng Kapuso network na tuluy-tuloy pa rin ang  pagbibigay-saya ng programa sa lahat ng manonood habang nagpapahinga si Kuya Germs.  

Pagkatapos ng mahigit dalawang linggong pagkaka-confine dahil sa mild stroke ay na-discharge na sa ospital si Kuya Germs noong Sabado (Enero 17). Sa kasalukuyan ay tuluy-tuloy pa rin ang kanyang therapy. 

Bukod sa mga hosts ng program na sina John Nite, Jackielou Blanco, Sharmaine Santiago, at Shirley Fuentes patuloy na maghahatid ng saya sina Hiro Peralta, Ken Chan, Jak Roberto, at Jake Vargas. Abangan din ang mga magiging guest hosts ng programa habang nagpapahinga at nagpapagaling si Kuya Germs.

Hindi rin dapat palampasin ang Celebrity Talk kasama ang entertainment journalist na si Aster Amoyo kung saan pinag-uusapan ang mga pinakamaiinit na balita sa mundo ng showbiz. 

Tuluy-tuloy pa rin ang kasiyahan tuwing Sabado ng madaling-araw sa Walang Tulugan with the Master Showman sa GMA.

Show comments