^

Pang Movies

Jamie napakasuwerte, hindi lang nakakanta nahalikan pa sa kamay ang Santo Papa

Jun Nardo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Jackpot si Jamie Rivera na isa sa showbiz celebrities na nakahalik sa singsing ni Pope Francis sa Family Encounter na ginanap sa SM MOA Arena nu’ng Biyernes ng gabi. Ang singer ang kumanta ng Papal Visit theme song na We Are All God’s Children sa venue kasama ang ilang bata.

Matapos kantahin ang We Are All God’s Children, pinaakyat ni Lolo Kiko si Jamie kasama ang mga bata at doon nangyari ang unforgettable moment ng singer kasama ang Santo Papa, huh!

Sa pahayag ni Jamie sa Bandila, aminado siyang todo ang nerbyos niya habang kumakanta. ‘Yung pagkalimot sa mga lyrics ang inalala niya. Eh, buti naman at nakanta niya nang maayos ang theme song. Nakita pa niyang tina-translate ni Cardinal Tagle ang lyrics kay Santo Papa at na-appreciate ito kaya masayang-masaya si Jamie sa karanasan niyang ‘yon.

Kris pinakikialaman ang sex life ni Erik!

Ngayong araw na ito ang Big Day ni Pope Francis. Sa umaga ay nasa UST grounds siya kaya sarado ang buong España mula Mabuhay Rotonda hanggang Morayta at vice versa pati na ang karatig lugar. Ang mga kabataan naman ang kanyang makakasalamuha at celebrities din ang magiging bahagi ng okasyon.

Sa hapon ay ang grand mass sa Quirino Grandstand ang gagawin niya. Isasabay rito ang Pista ng Santo Niño kaya engrande ang magaganap. Dito ina­asahan ang milyong Pinoy na dadalo sa misa.

Sa guesting ni Erik Santos sa Aquino & Abun­da Tonight nu’ng Biyernes ng gabi, sinabi niya kina Kris Aquino at Boy Abunda na todo ang re­hea­rsals na ginawa niya dahil siya ang kakanta sa baha­ging responsorial psalm.

Parang chant daw ang musika nito kaya gusto ­niyang lumabas nang maganda ang pagkakanta niya. Nagbigay pa nga siya ng sample ng estilo ng pagkanta niya.

Siyempre pa, naungkat kay Erik ang regalo niya kay Angeline Quinto. Hindi naiwasang ma­ngi­alam ni Kris at natanong kung gusto niyang pangmatagalan ang relasyon nila ng singer-actress. Sumang-ayon naman si Erik, huh! Pati nga pagiging chaste nila kung sakaling magpakasal ay pinakialaman ni Kris, huh!

Kris did it in tongue in cheek kaya naman may aliw factor ‘yon! Ha! Ha! Ha!

Janine ayaw maging beauty queen

Sa halip na mainggit, nagpahayag ng suporta si Janine Gutierrez sa pagsali ni Winwyn Marquez sa 2015 Bini­bining Pilipinas pageant. Marami rin kasi ang humihimok kay Janine upang sumali sa nasabing pageant.

“Hindi ko po passion ang sumali sa beauty contest. Ang pag-arte po ang gusto ko. Saka natatakot ako dahil ‘pag sumali ako at wala sa loob ko, hindi ako maka-deliver!” sabi ni Janine nang makausap ng press sa launching ng bagong modelo ng Boardwalk kung saan isa siya sa napili.

Bukod sa endorsement, tuloy pa rin ang More Than Words nila ng boyfriend na si Elmo Magalona at masayang-masaya sila sa magandang feedbacks sa kanilang rom-com series.

 

vuukle comment

ANGELINE QUINTO

ERIK

JANINE

NIYA

POPE FRANCIS

SANTO PAPA

SHY

WE ARE ALL GOD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with