Huwag daw siyang tularan, Janice pinaprangka si Janella sa maagang pagbubuntis!

MANILA, Philippines - Winner ang prangkang pahayag ni Janice de Belen tungkol sa pagpapalaki ng kanyang mga anak kay John Estrada lalo na sa mga babae. Mga kabataan kasi ang kasama niya sa inspirational series na Oh My G! ng Kapamilya Network na magsisimula sa Lunes kaya for sure, pinakinggan nila ang statement ni Janice lalo na ang mga female cast.

“Pinag-iingat ko sila! Kasi ‘pag sinurender mo na ang virginity mo, lisensiyado ka nang saktan. I should know dahil na-experience ko ‘yon at my young age!” katwiran ni Janice.

Pinaprangka kasi ni Janice ang mga anak. Alam din nila ang experience niya nu’ng kabataan niya at hindi niya itinatago ‘yon sa mga anak. Pero kahit nandoon ang friendship niya sa mga anak, alam nila ang limitasyon nila kapag lumalampas na sila sa borderline.

Eh sa mga teen star na kasama sa series na sina Janella Salvador, Marlo Mortel, at Manolo Pedrosa, natutuwa siya sa passion nila sa trabaho at dedikasyon sa craft na pinasok nila.

Janella hindi na puwedeng isnabin nina Kathryn at Julia

Launching series ni Janella ang Oh My G! matapos umani ng papuri sa katatapos na Be Careful With My Heart. Hindi na siya puwedeng isnabin nina Kathryn Bernardo at Julia Montes dahil maihahanay na siya sa lebel nila.

Pero kung dati ay si Daniel Padilla ang crush niya, ngayon ay nawala na raw ito. Ayaw niya munang magkaroon ng crushes kahit na nga dala-dalawa ang nagpapapansin sa kanya sa series, sina Marlo at Manolo.

“Ayoko pa muna. Gusto kong magtrabaho muna. Ayokong masira ang trust sa akin ng network na pinakamalaking break na ibinigay nila sa akin,” katwiran ni Janella.

Nanguna sa bagong mukha ng apparel line Alden prinsipe na uli ng GMA!

Pawang GMA Artists ang bagong modelo na ini-launch ng Boardwalk kahapon sa Luxent Hotel.

Nangunguna sa mga bagong mukha ang GMA Primetime Prince na si Alden Ri­chards. Dumating ang blessing na ito kaugnay ng birthday niya nitong unang araw ng January. Siya ang magsisilbing endorser ng Artist Collection ng Boardwalk.

Si Mike Tan naman ang magiging mukha ng Men’s Basic Collection at ibabalandra niya hindi lang ang maganda niyang katawan kundi maging ang bukol niya, huh!

Cosmopolitan collection naman ang suot ni Janine Gutierrez habang si Rich Asuncion naman ang magsusuot ng Missy Collection.

Ilan pa sa bagong modelo ng Boardwalk ay ang loveteam nina Thea Tolentino at Jeric Gonzales, ang team up nina Juancho Trivinio at Kim Rodriguez at pagdating sa Intimate Apparel Collection, swak na swak ang isa sa sexiest ng bansa na si Sam Pinto.

Bigger, smarter, and better ang slogan ng Boardwalk ngayong 2015 at ang battle cry nila ay Fashion for Social Change.

Show comments