Second Chances ni Jennylyn maganda ang feedback

MANILA, Philippines – Maganda ang feedback sa pagsisimula ng seryeng Second Chances ng GMA 7.

Sa pagpapatuloy ng kuwento, diretso si Lyra (Jennylyn Mercado) sa ospital…sa morgue kung saan nakaratay ang walang buhay niyang mag-ama. Hindi niya matanggap ang nangyari. Hagulgol si Lyra sa nasaksihan.

Sa libing, hindi pa rin matanggap ni Lyra ang nangyari. Nanghihingi siya ng katarungan. Awang-awa naman si Rebecca (Camille Prats) sa kinakapatid. Dahil din sa nangyari, naalala ni Rebecca ang nangyari sa kanya – nang mamatay ang panganay niya at makidnap ang bunso niya.

Depress pa rin si Lyra. Ngunit isang araw, maaalala niya ang nasaksihan niya sa rest house ng parents ni Albert: Nang marinig niyang may kausap si Albert sa cellphone, galit na galit. Mapapabalikwas siya sa pagkakahiga. Tumuloy siya sa presinto para ma­kibalita pero wala pa raw lead ang mga pulis. Galit na galit si Lyra. Maaalala niya ang phone ni Albert. Makikiusap siya sa mga pulis na ipakita ang phone sa kanya. Naawa naman ang mga pulis. Nakita niya ang te­lephone number ng tumawag 3 days ago sa cellphone ni Albert pero nang tawagan niya ito’y not in service na ang number. Frustrated si Lyra.

Sa bahay, tinawagan ni Lyra si Federico (Roi Vinzon) para sabihin sa kanya ang nangyari. Nangako naman itong tutulong. Sakto naman na duma­ting si Jerome (Rafael Rosell). Ibibigay ni Jerome kay Lyra ang mga papeles na inihabilin ni Albert dito.

Show comments