Kris hindi napahiya kina Coco, Direk Chito nakabawi sa The Trial
MANILA, Philippines - Nakabawi si Chito Roño sa pagiging box-office director. Mild hit lang kasi ang huli niyang ginawa na The Trial, eh itong festival entry niyang Feng Shui 2, namayagpag nu’ng opening day sa third spot, huh!
Nakatulong din si Kris Aquino upang mapabilang sa box-office royalty si Coco Martin. Eh ‘yung nakaraang movies ni Coco.
Sa pagpatok sa takilya ng Feng Shui 2, hindi napahiya si Kris kina Direk Chito at Coco na kinumbinse niyang maging stakeholder sa perang ininvest niya sa movie. Higit sa lahat, double victory sa investment si Kris dahil ang anak niyang si Bimby Aquino Yap ay sosyo naman sa kinabilangan movie na Praybeyt Benjamin ni Vice Ganda!
Sa totoo lang, tanging si Kris lang yata ang artistang may convincing powers upang maimpluwensiyahan ang kanyang milyong followers upang tangkilikin ang pelikulang pinagbibidahan niya, huh!
Mother Lily maligaya sa resulta ng SRR
Malambot talaga ang puso ni Mother Lily Monteverde. Muling napatunayan ang maganda niyang ugali nang ipahiram niya ang contract star niyang si Marian Rivera sa dalawang festival entries, ang My Big Bossing at Kubot: The Aswang Chronicles 2.
Si Marian ang leading lady ni Vic Sotto sa episode na Taktak habang may special participation siya sa Kubot. Next year, silang mag-asawa na ang bibida sa third installment ng movie.
Hindi naman ipinagkakaila ni Mother ang pagkagiliw kay Vic. Eh, isa pa sa producers ng movie ay kaibigan din niya, si Mr. Tony Tuviera kaya naman hindi sila nagdalawang-isip nang hiramin si Yan Yan para sa movie. Eh si Dong naman, lumabas na rin sa ibang Regal movies at isa siya sa ninang ng dalawa sa kasal next week, so pinairal ni Mother ang mapagbigay niyang ugali kahit technically ay masasabing “kalaban” ng entry niyang Shake, Rattle & Roll XV ang movies na sinamahan ng kanyang contract star.
Masaya na si Mother sa resulta sa takilya sa unang araw ng SRR XV kahit na nga hindi kumpleto ang sinehan na pinagtanghalan ng horror franchise, huh!
Performer grabe kung manulot para makakuha ng komisyon sa TF ng kapwa performer
Umiral muli ang pagiging sulutera ng isang performer pagdating sa mga corporate events nu’ng holidays. May mga reklamo na naman kaming narinig tungkol sa performer na ito na hindi na naman bago sa mga ibang artistang tumatanggap ng corporate guestings.
Ang ugali kasi ng performer na ito, kapag may middleman na kumuha sa kanya, the next thing is siya na ang dumidirekta sa producer or in charge sa event. Itsapuwera na ang middleman na nagugulat na lang at hindi na siya ang ka-deal, huh!
Ang drama kasi ng performer, nagbabawas siya ng talent fee. Kung minsan, siya pa ang lumalabas na middleman para sa ibang artista at humihingi ng kumisyon. Nang sa gayon, hindi man kalakihan ang talent fee niya, may dagdag naman ‘yon na extra datung sa artistang ipinapasok niya sa event!
Kaya naman kahit walang regular na TV show ang performer, literal naman siyang nakahiga sa salapi dahil sa rami ng shows niya either sa bansa o sa abroad, huh!
- Latest