^

Pang Movies

KC sinagot na ang pagpasok ni Mega sa pulitika

- Vinia Vivar - Pang-masa

Sa presscon ng Give Love on Christmas Presents Exchange Gift, sinagot ni KC Concepcion ang tsikang tatakbo raw na Mayor ng Pasay ang ina niyang si Sharon Cuneta.

“Mayor? Naku, mai-stress siya sa ganyan. Wala pa po kaming pinapag-usapan about that. Sigu­ro if ever, parang magiging malaking diskusyon ‘yun sa family,” say ni KC.

Ayon pa sa young actress, tatawagan daw niya ang mom niya para itanong.

“Balik-politics pala kami?” say pa niya.

When asked kung kumusta na ang mom niya, say niya ay pumapayat na raw at maganda pa rin. ‘Yun nga lang, first Christmas nila ito without her lola, Mommy Elaine Cuneta na mother ni Megastar at ‘yun ang ikinalulungkot nila.

Wish daw niya for her mom na maging happy and healthy ito.

“Sana, ang wish ko sa kanya, makapag-exercise ng ano, kasi ‘di ba, iba ‘yung nagpapapayat ka at iba ‘yung maganda talaga sa katawan mo,” she said.

Gusto nga raw niyang magkasama sila pagwu-work-out pero parang nahihiya pa raw ang mommy niya.

Na-meet na pala ng mommy niya si Paulo Avelino, ‘yun nga lang, sa hindi magandang sitwasyon nagkakilala ang mga ito, sa wake ni Mommy Elaine.

Nakilala na rin daw ni KC ang mga sisters ni Paulo at okay naman daw.

“Nag-dinner lang, and ayun, they got along. Tawa lang sila nang tawa,” matipid na kuwento ni Paulo.

Dahil Exchange Gift ang title ng kanilang episode, natanong din sina Paulo and KC kung ano ang regalo nila sa isa’t isa at say nila, meron na raw pero hindi pa lang nila naibibigay.

May kinalaman daw sa paborito nitong sports ang gift ni KC kay Paulo which is rock climbing. At gift naman ng aktor sa kanyang leading lady ay may kinalaman sa paggising.

Say tuloy ni KC, “unan? Alarm clock?”

Well, malalaman natin kung ano ‘yun kapag ipinost na ni KC sa kanyang Instagram account.

Anyway, sa Give Love on Christmas Presents Exchange Gift na mapapanood na sa Enero 5 (Lunes) ay bibigyang-buhay nina KC at Paulo ang mga karakter nina Anna at Christian, ang mag-asawang paghihiwalayin ng hindi pagkakaunawaan at iba’t ibang pagsubok. Ngunit sa kabila ng kanilang mga problema, mapipilitan ang dalawa na magpanggap na maging masaya para sa kapakanan ng kanilang kaisa-isang anak.

Tampok din sa Give Love on Christmas Pre­sents Exchange Gift sina Melai Cantiveros, Jason Francisco, Miguel Vergara, Cheska Iñigo, Lauren Burgos, at Jim Paredes. Ito ay sa ilalim ng direksyon ni Manny Palo.

Vice hindi pa rin makapaniwalang nakatsikahan si P-Noy

Noong Lunes ay in-announce ni Vice Ganda sa guesting niya sa Aquino & Abunda Tonight na iinterbyuhin niya si President Noynoy Aquino para sa kanyag Gandang Gabi Vice show.

Nakatakda niya raw interbyuhin si P-Noy the following day, Tuesday (bale kahapon).

“Sobra na akong excited! Hanggang ngayon, wala pa akong naiisip na tanong. Presidente, ma­kakausap ko, eh ang kinakausap lang ng presidente, mga matitino lang, eh,” say ni Vice sabay-turo kay Boy Abunda.

Mapapanood daw ang kanyang interview with the President sa Jan. 4 episode ng Gandang Gabi Vice.

vuukle comment

ABUNDA TONIGHT

BOY ABUNDA

CHESKA I

CHRISTMAS PRE

CHRISTMAS PRESENTS EXCHANGE GIFT

GANDANG GABI VICE

GIVE LOVE

NIYA

PAULO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with