^

Pang Movies

Donita hindi pa sigurado kung saan magpa-pasko

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Maganda nga ang naging taon ni Donita Rose at nagpapasalamat siya sa GMA-7 na nabigyan siya ng pagkakataong mag-host ng daily morning show na Basta Every Day Happy.

Extended raw ang show nila hanggang January 2015 at hindi pa alam ni Donita kung magkakaroon sila ng bagong season.

“I am keeping my fingers crossed kasi we all enjoy doing the show.

“Very close na kaming apat nila Gladys Reyes, Alessandra de Rossi, at Chef Boy (Logro). We learn from one another every day na magkakasama kami.

“So hopefully, we are given another season. For now kasi, puro extension kami. Pero I pray that we get a full season again kasi we have so much to talk about and share with our audience,” sey pa ni Donita nang makatsika namin siya sa GMA Christmas Party for the Press last December 11.

This Christmas, hindi pa sure si Donita kung dito sa Pilipinas or sa US siya mag-Pasko.

“The first plan was dito sa Pilipinas. Medyo ina­ayos pa namin ang lahat. Schedules and all, because my husband Eric is also busy with his job out there as well.

“But our son, Joshua, he wants to spend Christmas here. Basta inaayos pa namin ang lahat. Hopefully bago mag-Pasko ay nakapag-decide na kami,” pagtatapos pa ni Donita Rose.

KC tinakasan ang mga reporter

Inamin ni KC Montero na kaya siya hindi tumatanggap ng movie offers dahil hirap pa rin siyang mag-Tagalog hanggang ngayon.

Pero hindi nga raw niya natanggihan ang role bilang si Dom sa Metro Manila Film Festival (MMFF) entry na Kubot: The Aswang Chronicles 2 dahil kaibigan nga niya si Dingdong Dantes at gusto niyang makatrabaho si Direk Erik Matti.

Sey nga ni KC na binigyan daw siya ni Direk Erik ng mga Tagalog lines para i-memorize. Pero hirap ngang bigkasin ni KC ang mga ito kaya nakipag-compromise na lang siya with Direk Erik.

“I really wanted to do the movie but the lines are so confusing for me.

“Direk Erik then realized na puwede palang Taglish na lang.

“It was easier, not just for me, but for everybody on the set,” ngiti pa ni KC.

Hindi nga masyadong nakakuwentuhan ng press si KC noong naturang press conference dahil mabilis itong umalis noong matapos ang open forum.

May nagsabi na nagmamadali daw ito dahil may kung ano’ng commitment daw na pupuntahan pa si KC.

Pero pakiramdam ng ibang reporters na tumakas si KC dahil ayaw na nitong matanong tungkol sa kanyang lovelife.

Maglalaban-laban sa Golden Globe kasado na

Nai-announce na nga ang nominees for the 72nd Annual Golden Globe Awards sa Beverly Hilton Hotel noong nakaraang Thursday.

Ang mga Hollywood actors na sina Peter Krause, Kate Beckinsale, Paula Patton, and Jeremy Piven ang mga nagbasa ng mga official nominees.

Magaganap ang Golden Globe on January 11, 2015 at ang mga host nito ay sina Tina Fey and Amy Poehler. This will kickstart the awards season sa Hollywood.

Ang pelikulang Birdman ang nanguna with seven nominations in including best picture, best director, best actor (Michael Keaton), best supporting actor (Edward Norton), best supporting actress (Emma Stone), best screenplay and best score.

Ang mga pelikulang Boyhood, The Imitation Game, Foxcatcher, The Theory of Everything, at Selma ay pare-parehong nakakuha ng tig-limang nominations.

Sa TV category naman, maglalaban sa Best Drama Series ang Downtown Abbey, The Affair, Game Of Thrones, The Good Wife, at House of Cards.

Samantalang ang mga shows na Girls, Jane The Virgin, Orange is the New Black, at Silicon Valley ang magkatunggali sa Best Comedy Series.

Si George Clooney naman ang recipient ng Cecil B. DeMille Award sa taong ito.

ANNUAL GOLDEN GLOBE AWARDS

ASWANG CHRONICLES

BASTA EVERY DAY HAPPY

BEST

DIREK ERIK

DONITA

GOLDEN GLOBE

PERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with