MANILA, Philippines – Nag-uusap na sina Meryll Soriano at ang tatay niyang si Willie Revillame. At tumanggi siya sa bintang na ibinibenta na raw ni Willie ngayon ang ilan sa properties niya. Hindi rin daw ito nalululong sa casino.
“Kahit naman ano ang gawin niya sa pera niya, pera niya yon. It’s his own money! Wala na tayong pakialam doon!”
Tungkol naman sa anak ng ex-husband niyang si Bernard Palanca kay Jerika Ejercito, sabi niya, “Close naman ako kay Jerica at ‘yung anak nilang si Isaiah, ituturing namang kapatid ng anak namin ni Bernard na si Elijah. Hindi sila half-brothers. Walang kala-kalahati sa amin!”
Heart magpapaka-nanay sa mga anak ni Chiz sa Pasko
Feeling ni Heart Evangelista, misis na talaga siya ni Sen. Chiz Escudero kaya ngayong Pasko, gusto niyang mag-celebrate ng Christmas with the kids of Chiz. “Magbabakasyon kami ni Chiz sa America para makasama namin sila. Kasi, tiyempo, December at gusto nilang makakita ng snow.”
Sa Pebrero 2015 ikakasal ang dalawa. Sabik na sabik na si Heart na makasal sa mister niyang gusto na ring magka-baby sila.