MANILA, Philippines – Super-alalay si Ryzza Mae Dizon kay Alonzo Muhlach na co-host niya kahapon sa The Ryzza Mae Show. Mas bata nga naman sa kanya ang anak ni Niño Muhlach kaya kailangan niyang alalayan at baka sumaliwa ng sasabihin sa show!
Komo nga Inglisero si Alonzo, sinabayan naman siya ni Ryzza. Pero sa Eat Bulaga, hayun at sumabay naman ang Aling Maliit sa Inglesan kay Bossing Vic, huh!
‘Yun nga lang, nagtampo kunwari si Ryzza nang sabihan siya ni Vic na lumalaki ang ilong niya. Nag-walk out siya sa Laban o Bawi portion pero ginawa niyang dahilan ‘yon para lumafang, huh! Ha! Ha! Ha!
Of course, ‘yung presence ni Alonzo sa talk show ni Ryzza ay malaking tulong upang mailabas ng bata ang kabibuhan niya lalo na’t sila ni Ryzza ang tandem sa Prinsesa episode ng My Big Bossing, huh!
Ano naman kaya ang gagawin ni Bimby Yap na kasama naman ni Vice Ganda sa festival entry niya? Tapatan si Ryzza?
Mga singer na walang career nakikipag-agawan sa mga baguhan sa The Voice...
Nagsisilbing daan din ang The Voice of the Philippines sa mga dating singers na wala nang masyadong sigla sa kanilang career, huh! Siyempre, experienced na sa pagkanta kaya naman napabibilib ang judges.
Eh, wala namang limitasyon sa bawat contestant. Basta napabalikwas ang judge at humarap sa contestant, it doesn’t matter kung bago o luma kang singer, huh!
Pero siyempre, kawawa rin ‘yung mga bagitong singer na deserving din namang ma-coach ng judges. Nadedehado sila kumpara sa beteranong singers lalo na kapag kilala rin ng judges ang mga ito once na makita na nila ang mukha.
Mas masarap pa rin malaman na bagong singer ang madidiskubre para mabigyan naman ng oportunidad sa mundo ng musika, huh!
Naloka sa isang episode Mother Lily hindi sigurado sa magiging hatol ng MTRCB sa ulam ng Shake…
Nawindang si Mother Lily Monteverde sa napanood na ending ng Ulam episode ng Shake, Rattle & Roll XV. Nagalingan siya sa execution ng director na si Jerrold Tarog pati na ang husay ng lead stars na sina Dennis Trillo at Carla Abellana.
Hindi namin sasabihin kung ano ang ending ng episode. Pero nandoon pa rin siyempre ang concern ni Mother na gawing pang-general patronage ang SRR XV lalo na’t na-miss ito ng mga tao last year.
Alam na rin kasi ng Regal producer ang limitasyon ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) sa mga pelikula lalo na kung gusto niyang maging pang-GP (General Patronage) ito. Chill na lang si Madera dahil hindi pa naman naka-schedule for preview ng MTRCB ang pelikula.