Dating sexy star na nabiktima ng mga huthutero’t huthutera noon, nakakaraos sa panggagamot

Buti na lang, bago naubos ang limpak-limpak na datung ng dating sexy star na ito ay naisipan niyang magbalik eskwela at mag-aral ng isang kurso na may kinalaman sa health na pinakikinabangan niya ngayon. Sobra kasing gumastos si sexy star dati. Grabe kung mamigay ng pera, basta madaingan ng mga huthutero’t huthutera, give siya nang give huh! Hindi rin siya maramot, marami siyang raket that time, pero dumating ang panahon na dumalang na ang mga pelikulang ginagawa niya. Natalo na kasi ang beauty niya ng mga nagsulputang new & young sexy stars. Buti na lang, pati anak niya ay napagtapos niya ng college.

Wala na siyang career in showbiz pero dinarayo siya ng iba’t ibang tao na may mga sakit na nagpapagamot sa kanya tulad ng pilay at hangin lamig sa katawan. Gumagamit siya ng herbal, oil, orasyon, hilot at iba pa sa kanyang panggagamot.

Thank you ang babait ninyo!

Wala nang 30 days at Pasko na! Pero kesehodang madagdagan ang aking edad, excited pa rin ako sa pagdating ng Pasko. ‘Yun bang ang saya-saya ng pakiramdam, magaan sa dibdib, kahit isang kahig isang tuka. Eh ako, ang gastos ko pa naman dahil sa mga sakit na diabetes, hypertension, na animo’y see-saw ang pagtaas-baba ng aking blood pressure. Pero kahit ano’ng hirap ay marami pa ring dumarating na grasya. God never fails me, ganoon din si St. Expeditus, basta ‘pag feel kong tagilid na ang aking bangka, ‘di ako nawawalan ng pag-asa. Dahil alam kong may darating na grasya.

At take note, ang pinakamaagang Christmas gifts ay galing kina Ronald Constantino, dating presidente ng Philippine Movie Press Club (PMPC) at isa sa respected movie columnist; sa Startalk host and well respected entertainment editor ng The Philippine Star na si Ricky Lo; at ang host ng radio program na Mismo, si Jobert Sucaldito. Advance ang aking Merry Christmas dahil sa tulong nila. Sabagay kahit noon pa man ay tumutulong na sila sa akin for my medication. Ang babait ninyo, Thank you!

Personal

Condolence sa pamilya ng yumaong tiyuhin ko na si Teofilo Corilla ng Bolinao, Pangasinan. Eternal peace grant unto him oh, Lord!

Congratulations naman kay Mr. Jimmy Rustia ng Golden City, Sta. Rosa Laguna. Pinili siya ng Parish Priest ng Our Lady of Rosary Church na si Rev Fr. Eduardo Dodie Arufo bilang representative sa pagdating ni Pope Francis sa January 2015. Hindi kilala ng pari si Mr. Jimmy pero na-recall siya na lalaking may saklay na laging nagsisimba tuwing Linggo.

Show comments