Vic mangiyak-ngiyak nang panoorin ang My Big Bossing!

Akala pala ni Vic Sotto, makakati­pid  ­sila ng mga co-producer niya, ang Octo Arts Films, APT Entertainment, at ang kanyang M-Zet Productions, sa paggawa ng tatlong episodes ng My Big Bossing, ang entry nila sa coming Metro Manila Film Festival (MMFF) sa December. Mali siya, dahil para raw silang gumawa ng tatlong malalaking pelikula dahil sa budget ng bawat episode. Pero napanood na niya ang rushes ng tatlong episode at nangilid daw ang luha niya dahil satisfied siya sa nakita niya. Ang huhusay daw ng mga artista niya, from Ryzza Mae Dizon, Marian Rivera, Nikki Gil, Pauleen Luna, at kahit ang introducing na bagong child star, si Alonzo Muhlach, maging ang kanyang mga director, sina Tony Y. Reyes, Marlon Rivera, at Bb. Joyce Bernal na sana raw ay hindi iyon ang last time na makakatrabaho niya ito. 

Gaano kahaba ang bawat episode? Sayang daw naman ang number of scree­nings kung mahaba ang buong pelikula.  Nag-i-edit pa raw si Direk Joyce at ma­lalaman din nila kung ano ang magiging running time ng bawat episode kapag ipinalabas na ito sa premiere night nila sa December 22 sa SM Megamall Cinema 10.

Aling maliit kilig na kilig kay Robin

Kahapon, special guest naman ni Ryzza Mae Dizon si Robin Padilla sa kanyang morning show na The Ryzza Mae Show at kinilig si Aling Maliit at tili rin nang tili habang kinakantahan ni Robin ang audience. Nainggit sa audience na hinalikan si Robin habang kumakanta, nang bumalik si Robin, ­siya naman ang humalik nang humalik sa kanyang Tito Robin.  Nag-promote na rin si Robin ng entry niya sa Metro Manila Film Festival, ang Bo­nifacio: Ang Unang Pa­ngulo.  Kilig na kilig si Ryzza nang sabihin ni Ro­bin na maganda siya at tatapakan daw niya ang magsasabing hindi maganda si Ryzza Mae. Humanga si Robin sa lakas ng karisma ni Aling Maliit.

Nang mag-imbita si Robin na panoorin ang Bonifacio, sinundan ito ni Ryzza na pagkatapos daw manood ng Bonifacio, panoorin din nila ang My Big Bossing.  No problem naman kay Robin na mag-appear sa GMA-7 dahil wala naman siyang kontrata ngayon sa ABS-CBN at sa TV5.

Final episode ng Be Careful… puro iyakan

May iyakan naman sa final episode ng Be Careful With My Heart na hirap na hirap kumanta nang live si Aiza Seguerra habang umiiyak siya.  Live ang ilang minutes na presentation bago natapos ang show, hosted by Toni Gonzaga.  Siyempre pa, iyakan din ang lahat ng members ng cast headed by Richard Yap at Jodi Sta. Maria, na nagkahiwa-hiwalay after ng more than two years na napapanood sila tuwing umaga sa ABS-CBN.  Personal na nag-appear sina Ms. Cory Vidanes, Direk Lauren Dyogi, Director Jeffrey Jeturian, at iba pang members ng production staff. 

Sabi ni Sir Chief, hindi raw goodbye ang paghihiwa-hiwalay nila, but a new beginning,  dahil alam niyang muli silang magkakasama-sama sa mga susunod na project.

 

Show comments