Hindi raw nararamdaman ni Venus Raj kung may lalaking nagbabalak na ligawan siya. Mahina raw siya sa pag-pick up ng mga ganyang signals dahil nasanay daw siya sa lalaking open sa pagsabi na gusto siyang ligawan.
“Hindi kasi ako assuming na tao. Ayoko namang isipin na ang bawat lalaki na gustong makipagkilala o makipagkaibigan sa akin ay gustong manligaw.
“Nasanay kasi sa guy na nagpapakita agad ng kanyang intention sa akin.
“Ngayon kasi, wala naman akong nararamdaman na may gustong manligaw sa akin,” ngiti pa ni Venus.
Kahit walang boyfriend si Venus ngayong Pasko, hindi naman daw niya hangad ang magkaroon agad ng karelasyon dahil abala nga siya sa kanyang career, pag-aaral, at sa church.
“Busy po ako sa school at sa trabaho kaya hindi ko talaga naiisip ang magkaroon ng boyfriend.
“Tulad ngayon, puro ako biyahe lalo na this coming December dahil nagsimula na ang season 2 ng travel-magazine show namin ni Ms. Cristina Decena na Business Flight sa GMA NewsTV,” sabi ni Venus Raj.
Rico Blanco hindi pa sigurado kung makakantahan si Pope Francis
Si Rico Blanco raw ang napili para mag-perform sa pagbisita ni Pope Francis sa Pilipinas sa January 2015.
Maghahandog ng isang special mass si Pope Francis para sa mga biktima ng Typhoon Yolanda sa Tacloban City.
Taga-Leyte si Rico Blanco at isa siya sa mga masigasig na local artist na parating nagpa-participate sa mga benefit shows and projects para sa Yolanda victims.
Pero ayon sa singer, hindi pa raw niya ito ma-confirm dahil wala pa raw siyang alam tungkol sa mga detalye.
“I only heard they were interested in having me there. I was just in Tacloban nung anniversary ng Yolanda but I still don’t have the details.”
Noong nagkaroon ng World Youth Day sa bansa noong 1995, isa ang banda niyang Rivermaya sa nag-perform para kay Pope John Paul II.
Matutuwa si Rico kung mauulit daw na makapag-perform siya sa harapan ng Mahal na Papa.
One Direction naghakot ng awards sa AMA
Ang sikat na boy band na One Direction ang big winner sa kakatapos lamang na American Music Awards 2014 (AMA) sa Nokia Theatre in Los Angeles.
Nag-uwi ng tatlong awards ang 1D. Nakuha nila ang Best Pop/Rock Band, Best Pop/Rock Album, at Artist of the Year.
Si Iggy Azalea naman ay nag-uwi ng dalawang trophies: Best Rap/Hip-Hop Album at Best Rap/Hip-Hop Artist.
Naging very emotional si Iggy sa pagtanggap niya ng award.
Ang highest honor nga ng AMAs na Dick Clark Award for Excellence ay unang ibinigay sa multi-talented artist na si Taylor Swift dahil sa outstanding record sales ng kanyang bagong album na 1989 at ang pagiging number one ng kanyang new single na Blank Space.
“Ang iba pang winners ng AMAs ay sina Beyoncé (Best Soul/R&B Female Artist And Album); Katy Perry (Best Pop/Rock Female Artist And Single Of The Year); 5 Seconds of Summer (Best New Artist); Carrie Underwood (Best Country Female Artist); Luke Bryan (Best Country Male Artist); Frozen (Best Soundtrack).