Type ko ang mga magulang ni Chris Algieri na grateful dahil nabigyan ng pagkakataon ang kanilang anak na makalaban sa boxing si Papa Manny.
Natalo man si Algieri, happy ang kanyang mga magulang dahil natupad ang pangarap nila na makapantay ng pangalan ng kanilang anak sa billing ang pangalan ng Pambansang Kamao.
Sa totoo lang, marami ang hindi pamilyar o kilala si Algieri. Nagkaroon lang ng public awareness tungkol sa kanya dahil sa laban nila ni Papa Manny.
First defeat ni Algieri ang sagupaan nila ni Papa Manny kaya marami ang aral na natutunan niya. Aminado si Algieri na talagang mahusay ang Pinoy boxing champ.
Mayweather Jr. nabakla na naman, wala pang reaksyon sa pagkapanalo ni Manny
Tahimik pa ang baklitang si Floyd Mayweather, Jr. Hindi pa siya nagtataray tungkol sa panalo ni Papa Manny sa laban nito kay Algieri.
Naghihintay siguro ng timing si Mayweather, Jr. Baka nag-iisip pa siya ng mga sasabihin laban kay Papa Manny o puwedeng tulala pa si Mayweather dahil tinawag siya na duwag ng kanyang anak.
Pati ang mga kapwa Amerikano ni Mayweather, Jr., nilalait siya. Kapag hindi raw niya itinuloy ang paglaban kay Pacquiao, nangangahulugan ito na afraid talaga siya sa Pinoy boxer at si Dionisia Pacquiao lang ang kanyang katapat.
Congrats Papa Ricky sa pagdala ng Startalk!
Congrats kay Ricky Lo dahil siya ang Best Male Talk Show Host ng Star Awards for Television ng Philippine Movie Press Club (PMPC) na ginanap sa Solaire Resort & Casino noong Linggo.
Nag-win si Papa Ricky para sa Startalk, ang aming Saturday afternoon showbiz talk show sa GMA-7.
Sure na may celebration kami sa Startalk sa darating na Sabado dahil sa award na napanalunan niya. Congrats Papa Ricky!
Mother Lily mahilig takutin ang mga kasambahay
Confident si Mother Lily Monteverde na magugustuhan ng moviegoers ang Shake, Rattle & Roll XV, ang official entry ng Regal Entertainment Inc. sa 2014 Metro Manila Film Festival (MMFF).
Napanood na ni Mother ang Shake, Rattle & Roll XV at ang sabi niya sa akin, hindi siya nakatulog dahil sa mga scary scene na kanyang napanood.
Noong araw, iniipon ni Mother ang lahat ng mga kasambahay niya at sama-sama nila na pinanonood ang mga horror movie ng Regal Films.
Kapag nagsisigawan ang kanyang mga kasambahay dahil sa sobrang takot, siguradung-sigurado si Mother na pipilahan sa takilya ang kanyang mga horror film at ganoon nga ang nangyayari.
Trilogy movie ang Shake, Rattle & Roll XV. Sinabi sa akin ni Mother ang favorite episode niya pero hindi ko sasabihin para hindi ma-pre empt ang enthusiasm ng mga nagbabalak na panoorin ang kanyang filmfest entry.
Cong. Alfred at Coun. Anjo nagpa-free screening
Masuwerte ang mga residente ng isang barangay sa District 5 ng Quezon City dahil nakasama nila noong Linggo sa panonood ng laban nina Manny Pacquiao at Chris Algieri sina Congressman Alfred Vargas at Quezon City Councilor Anjo Yllana.
Courtesy ng dalawa ang free screening ng Pacquiao-Algieri fight mula sa Venetian Hotel, Macau. Tuwang-tuwa ang constituents nina Alfred at Anjo dahil live nila na napanood ang boxing fight na nagpatigil ng mundo ng mga Pilipino noong Linggo.
Tiyak na masusundan pa ang ginawa nina Alfred at Anjo dahil hindi pa magreretiro si Papa Manny sa boxing.