^

Pang Movies

Ogie ni-reject ang offer na posisyon ni P-Noy

- Vinia Vivar - Pang-masa

Ang daming career ni Ogie Alcasid. Lahat na lang yata ay kaya niyang gawin. Isa siyang successful singer/songwriter, TV host, comedian, businessman, at ngayon ay talent manager naman dahil nagtayo nga siya ng A Team management.

Ano pa ba ang kulang sa buhay niya ngayon?

“Wala na, kumpleto na, pero a­yoko pang mamatay,” biro niya.

Pero aniya, sa tingin naman daw niya ay hindi tayo dapat magkaroon ng limitasyon sa mga dapat nating gawin.

“Siguro, sobra rin akong nag-e-enjoy sa mga ginagawa ko, kasi hindi ko naman makikilala itong mga ito (ang mga talents niyang sina Lara Maigue, Davey Langit, Q-York, and Empoy) nang walang dahilan, eh. Alangan namang hindi ko na lang sila bigyan ng pagkakataon na makamit ang dreams nila. It’s an opportunity that you can’t pass,” he said.

Paano naman kung nagkaroon siya ng calling sa politics?

“Naku, ‘yan ang ayoko talaga. Hindi ko ‘yan linya. Naniniwala kasi ako na ang isang politician, kailangang ipinanganak kang ganu’n.”

How about a government position?

“Hindi rin, hindi rin. Kaya nga nagtatrabaho rito, dahil ito ‘yung trabaho natin. Iba ‘yung trabaho nila, eh. Tumulong, pwede. Pero maging pulitiko, hindi ko linya ‘yun.”

Pero aminado siyang maraming offers sa kanya to run for a position pero ayaw daw niya talaga.

Nag-offer ba sa kanya ng posisyon si Pres. Noynoy Aquino?

“Oo rin, pero kasi, nang magsimulang maging Pa­ngulo si Pres. Noynoy, ang inuna kong gawin ay maging pangulo ng OPM. Hindi po ito sangay ng gobyerno ha, ito ay isang adbokasiya.

“So, mas nagustuhan ko ‘yun kaysa bigyan ako ni P-Noy ng posisyon,” he said.

Ella Cruz takot mabuntis agad

Sa seryeng Bagito ay isang dalagang nabuntis at the age of 19 ang role ni Ella Cruz. First time niyang gumanap ng ganitong klaseng role and not only that, first time rin niya na magkaroon ng love scene (with Nash Aguas).

In fairness, napakalinis naman ng pagkakagawa ng love scenes nina Ella at Nash ng mga direktor na sina Onat Diaz and Jojo Saguin. Talaga namang wala kang makikitang kahit ano. Iningatan talaga ang scene dahil bukod sa mga bata pa sila, pati ang crowd nila ay mga bata pa rin.

Pero dahil first time nga ni Ella, say niya hanggang ngayon ay hindi pa raw talaga siya makapaniwala na magagawa niya ang ganitong klaseng eksena.

“Yun na nga, parang first time kong ginawa ‘yun, parang nasa-shock pa ako hanggang ngayon, parang hindi ako makapaniwala na nagawa ko na ‘yung ganun’g scene. ‘Di ko siya ma-take pa,” natatawang sabi ni Ella.

Paano kung mangyari sa kanya ang nangyari sa role niya sa Bagito na nabuntis nang maaga?

“Diyos ko, huwag naman po sana,” she said. “Ang dami ko pa pong pangarap. Well, hindi ko alam, ayoko pa po talagang mangyari ‘yun.

“Hindi ko po hahayaang mangyari ‘yun kasi ang dami ko pa pong pangarap sa buhay,” she said.

Samantala, waging-wagi ang pilot episode ng Bagito dahil nakakuha ito ng napakataas na 27.2% ratings ayon sa Kantar habang ang katapat na programa naman sa GMA-7 na Coffee Prince ay nakakuha lamang ng 11.3%

A TEAM

BAGITO

COFFEE PRINCE

DAVEY LANGIT

ELLA

ELLA CRUZ

NIYA

PERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with