‘I Do’ grand couple Jimmy at Kring, ikinasal na

MANILA, Philippines - Nakamit na ng kauna-unahang Grand Couple ng Kapamilya realiseryeng I Do na sina Jimmy Kim at Kring Elenzano ang kanilang pangarap na kasal at wedding ceremony kung saan nagsilbing ninong at ninang nila ang mismong host ng show na si Judy Ann Santos-Agoncillo at kapwa council members na sina coach Pia Acevedo at Dr. Julian Montano.

Dinaluhan ang nasabing pagdiriwang ng mga kapamilya at ma­lalapit na kaibigan ng Korean-Pinay couple, kabilang na ang iba pang couples ng I Do. Tunghayan ang mga eksena sa kanilang Grand Wedding ngayong Sabado (Nov. 15) pagkatapos ng The Voice of the Philippines sa ABS-CBN.

Show comments