^

Pang Movies

Natulad kay Allan K ang sakit Vice Ganda ipa-oopera na ang lalamunan

Jun Nardo - Pang-masa

MANILA, Philippines -  Tuloy na ang pagpapaopera ni Vice Ganda sa kanyang lalamunan next year. Tatapusin lang daw muna niya ang kanyang festival entry and then, ang problema niyang ito ang bibigyan niya ng kalunasan.

Guest si Vice sa KrisTV nang aming mapanood. Ang sakit sa lalamunan ang dahilan kung bakit hindi siya nakakalabas sa daily noontime show nilang It’s Showtime. Eh ‘yung Sunday show niya ay once a week lang naman, kaya hindi matindi ang requirement sa kanyang hosting sa show.

Karaniwang sakit na yata ng mga stand up comedian ang sa lalamunan. Nangyari na rin ‘yan kay Allan K na kinailangan ding patingin sa doctor at magpahinga upang maibalik ang normal na boses.

International model naiyak nang pumunta ng Bohol

Ang isang anak ni Miles Roces ang malaking actor kung bakit nagkaroon siya ng awareness sa America’s Next Top Model British Invasion grand winner na si Sophie Sumner. Dumating kasi sa bansa that time si Sophie para sa isang Bench fashion show at humingi siya ng ticket para sa anak.

Pero bukod sa pagiging sikat na kabataan, ang pagiging talented ni Sophie ang isa sa dahilan kung bakit kinuha siyang mag-host sa reality travel show na Fil It Up ng kanyang Limitless Ventures (production company) kasama ang international rock star na si Mig Ayesa. Kaya nga nang i-offer sa kanya ang show, agad sumagot ang international model.

Ayon kay Sophie sa press launch ng programa, matapos ang panalo niya sa ANTM, dumami ang fans niya sa bansa.

“From England, we really didn’t know anything about it. We really wanted to come to the Philippines to explore. The first time I came here, it just opened my eyes. Endless places. I never realized that you can be in the mountain like Baguio and cold. It’s like everything’s here! pahayag ni Sophie.

Guwapo rin ang tingin niya sa mga lalaki natin. Ilan naman sa pagkaing Pinoy na gustung-gusto niya ay ang sinigang at adobo at sa lugar, memorable sa kanya ang Bohol at naiyak siya sa kanta ng Loboc Choir.

Last year pa sana sinimulan ang shooting ng Fil It Up. Eh, that day, November 8, kasagsagan ng balita tungkol sa biktima ng bagyong Yolanda. Ngayong tapos na ang first season na ilalabas sa January sa GMA News TV, isang kanta ang ginawa ni Mig, ang United As One kung saan ang kikitain nito ay ibabahagi sa biktima ng Yolanda.

Ayon naman kay Miles, magkakaroon din ng international version ang travel show kung saan maipagmamalaki ang ganda ng bansa sa buong mundo.

Jim Carrey kilalang-kilala si Pacman

Malapit nang “tumahimik” panandali ang buong bansa dahil makikibakbakan muli si Manny Pacquiao next week kay Chris Algieri. Eh, pag may laban ang Pambansang Kamao, lahat ng klase ng tao ay nakatutok sa kanya. So ‘yang walang katapusan na hearing sa Senado, matatameme kahit paano, huh!

Sa totoo lang, may fans din sa ibang bansa si Pacman. Ang latest ngang nagsabi na fan at kilala niya si Pacquiao ay ang international comedian na si Jim Carrey, huh!

ALLAN K

AYON

BOHOL

CHRIS ALGIERI

FIL IT UP

FROM ENGLAND

JIM CARREY

NIYA

SOPHIE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with