^

Pang Movies

Kahit may problema pa aktor sunud-sunuran, bumili ng bahay at lupa para lang paligayahin ang GF

Jun Nardo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Panibagong kayod-marino na naman ang ar­tistang lalaki. Kumuha pala siya ng bagong bahay at lupa para hindi na sila mangupahan pa ng kanyang live in partner.

Kahit na nga may personal pang problema, hindi ito alintana ng aktor basta lang mapaligaya ang babaeng minamahal. Pero naging safe ang aktor dahil hindi sa kanya nakapangalan ang lupa at bahay hangga’t hindi totally bayad, huh!

Napansin lang ng mga kaibigan na pagdating sa babaeng minamahal, mahina pa rin ang aktor. Kumbaga, andap pa rin siya in the sense na mas malakas ang impluwensiya ng babae sa pagkatao niya sa halip na ang babae ang maging sunud-sunuran sa kanya, huh!

Paulo hindi chummy chummy sa pamilya ni KC, nanahimik sa isang sulok nang makiramay kay Mommy Elaine

Nakisimpatya ang Kapamilya executives kay Sharon Cuneta sa unang gabi ng lamay ng ina ng megastar na si Elaine Gamboa Cuneta. Patunay lang ito na nandoon pa rin ang friendship ni Shawie sa kanila kahit wala na siya sa bakuran ng istasyon.

Present ang ABS-CBN President na si Charo Santos Concio, Cory Vidanes, and Star Cinema executives na sina Malou Santos at Olivia Lamasan. Kasama nila si Direk Lauren Dyogi at ibang junior executives ng Dos na nakasama ng megastar sa na­ging shows niya sa Kapamilya network.

Mahihigpit na yakap ang salubong ni Shawie sa mga kaibigan na naging bahagi rin ng ina niya nu’ng nabubuhay pa siya. Kasama ng Megastar ang bunsong anak na si Miguel. Hindi namin namataan ang mga anak na sina Frankie at Miel. Si KC naman, saglit naming nakasalubong na mugto rin ang mata sa kaiiyak.

Halu-halo ang bisita sa wake ni Mommy Elaine. Sa showbiz, present siyempre ang Gamboa-Sotto family led Helen and Sen. Tito. Nakiramay din sina Mother Lily, Kuya Germs, Fanny Serrano  (na siyang nag-makeup kay Mommy Elaine), Lorna Tolentino and sons, Ralph and Renz, Direk Carlitos and wife, Bibeth Orteza, at iba pa.

Dumating din ang DILG Secretary na ri Mar Roxas, Ma­dame Imelda Marcos. Hindi naman namin kilala ‘yung ibang mga negosyanteng nakiramay.

Of course, hindi nawala si Paulo Avelino sa mga nakiramay sa lola ni KC. Pero hindi naman siya chummy-chummy mas­yado sa pamilya ni KC, at least, nakaharap niya si Renz na nali-link sa dating partner na si LJ Reyes, huh!

Nangiti na lang si Pau nang sabihin sa kanya na nali-link si Renz kay LJ!

Mananatili hanggang Nov. 11 ang labi ni Mommy Elaine sa Santuario de San Antonio at ipahahayag ng pamilya ang de­talye ng libing sa susunod na araw.

Alden gustong magpakita ng puwet

Fourth year na ni Alden Richards sa showbiz sa December 8 pero ang paglabas bilang si Jose Rizal sa bayani serye na Illustrado ang nag-boost lalo ng confidence niya upang alagaan ang importansiyang ibinibigay ng GMA Network at pagbutihin pa ang pag-arte.

Nalampasan na niyang talaga sina Mike Tan at Aljur Abrenica, huh!

“Naku po! Huwag naman po. Hindi naman po!” tanggi ni Alden nang makausap ng press sa pocket interview para sa Illustrado.

Dinig nga ni Alden, after Illustrado, ang tungkol naman sa buhay ni Lapu-Lapu ang gagawin ng network.

Baka hindi na po ibigay! Saka hubaran ‘yon. Gusto ko may ipapakita. Wala pong ipapakita eh,” sagot ng aktor.

Puwet lang naman ang ipapakita!

“Puwet? Okey lang ako sa puwet!” deklara ni Alden. “Nakabahag kasi siya,” dagdag niya.

Bakit, ayaw ba niya sa harap dahil walang masisipat na bukol sa kanya?

 “Meron naman, Tito! Meron! I’m sure! Ha! Ha! Ha!” pagmamalaki ni Alden.

Komo nga naging maganda ang 2014 kay Alden, bilang regalo sa sarili at sa pamilya, isang bahay at lupa ang nakatakda niyang bilhin sa susunod na araw.  

 

ALDEN

ALDEN RICHARDS

ALJUR ABRENICA

ILLUSTRADO

MOMMY ELAINE

NAMAN

RENZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with