Jericho pumayag maging fixer

Kahit lumipat na ng management si Jericho Rosales from Genesis Entertainment ni Angeli Pa­ngilinan to Erickson Raymundo’s Cornerstone Entertainment co-managed by Star Magic, ayon sa aktor ay maayos pa rin ang relationship nila ng mga Valencianos.

“Ano lang ‘yan, it’s a professional decision, parang ganu’n. But we have. . .’yung nasa amin pa rin ang relationship namin. Parang ampon pa rin ako ng mga Valenciano, parang ganu’n.

“May blessing naman ‘yung pagpunta ko sa Star Magic kasi du’n naman talaga ako nangga­ling, parang bumalik ako,” pahayag ni Echo nang makausap namin sa presscon ng latest indie film niyang Red na isa sa official entries sa Cinema One Originals.

“For them, I think, the most important thing is happy ako,” dagdag ni Echo.

Maraming bumabalik sa ABS-CBN nga­yon na dating talents ng Star Magic tulad nga nina Jolina Magdangal and Marvin Agustin, ano ang take rito ni Echo?

“Oo, naaliw ako du’n (sa pagbabalik ng Marvin-Jolina) kasi fan ako nu’n, eh. Sino bang hindi na­ging fan ng Marvin-Jolina? Hindi pa ako artista nu’n, artista na si Marvin. Idol ko na ‘yung pick-up truck niya, may pick-up truck siya nu’n, ‘yung ang kotse niya,” kwento ni Echo.

Gusto rin ba niyang bumalik ang loveteam nila ni Kristine Hermosa?

 “Bagay pa ba sa amin ang mag-loveteam? Kung may project, oo, okay lang. Kung meron talagang napaka-interesting na project na kung baga, feeling ng mga tao na gusto nilang panoorin, bakit hindi?” he said.

Ayon kay Echo, the next three years sa kanyang career ay very exciting.

 “I have a five-year plan for myself. My new management, Cornerstone, and Star Magic, they presented things sa akin. Para akong guinea pig ngayon, ti­ningnan nila ako, eto ka, rito ka, and we planned and we all agreed on what we’re going to do.

“So, I’m very excited locally, regionally. Parang ganyan. For me, acting and music, with the balance of. . . with the support of my wife, andiyan si Kim (Jones, his wife), Kim has a career, ganyan.” Hindi raw siya worried kung ano ang mga susunod na mangyayari sa career niya dahil alam niyang he has a great team.

“You know, I’ve spent time, I’ve met with people so many times, naghintay talaga ako ng tamang panahon kung sino ‘yung makakatrabaho ko, parang ganu’n.

“So, very careful ako sa steps because I know that nandiyan pa, eh. May future pa ‘yung career ko, eh. 

“After The Legal Wife’s success, sabi ko, gumagana ang mga may lessons na story and nandoon ako, eh. It’s exciting, people love it, ‘yung ganyan. So, I still feel na malayo pa, marami pa akong magagawa,” sabi ni Echo.

Sa pelikulang Red ay ginagampanan ni Echo and papel na Red, isang orphan na lumaki sa girlie bar at naging “fixer” paglaki. Isang hindi inaasahang insi­dente ang naganap kung saan ay may namatay na isang batang mayaman during a drug bust operation at may nawalang 8 milllion pesos worth ng drugs.

Si Red ang nautusang mag-ayos ng gulo pero in the end, ang fixer ang siyang na-frame sa krimen.

Magkakaroon ng gala premiere ang Red sa Nov. 11 at mapapanood ito hanggang Nov 18 sa Fairview Terraces, Glorietta, Trinoma and Greenhills Atmos theaters. Para sa exact screening schedules, refer to the Cinema One Originals and Cinema One Channel Facebook pages.

 

Show comments