MANILA, Philippines – Inaalat yata si John Lloyd Cruz ngayon. Mag-iisang taon na siyang walang trabaho at hanggang ngayon ay hindi niya maintindihan kung bakit tinanggal ang ilang pinaghirapan niyang eksena sa The Trial.
Sana huwag siyang pabayaan ng Dos, pinagkakakitaan naman siya ng istasyon.
Coco may namana kay Nora
Maganda ang ending ng seryeng Ikaw Lamang, para siyang movie. Epektibo ang love triangle nina Coco Martin, Kim Chui, at KC Concepcion na mas bongga bilang kontrabida. May nakapansin kay Coco, parang may namana siyang ugali sa Superstar Nora Aunor, na nagbibigay ng blessing sa kapwa ‘pag last day na ng taping. Nagkasama ang dalawa sa movie na hindi pa napapalabas, ang Padre de Familia at nakapulot siya ng magandang ugali kay Guy. Sa kinikita naman ngayon ni Coco, simpleng bagay lang ang mag-share sa kapwa.
John Lloyd at Nora pareho nang freelancer
Noong October 30 ang last day ng kontrata ni John Lloyd Cruz sa ABS-CBN, pero wala pang balita kung pipirma uli ito. Kahapon naman, October 31 ang end of contract ng Superstar Nora Aunor sa TV5 at wala pa ring balita kung magri-renew ito ng kontrata. Nasa America pa kasi siya at nakatakda siyang bigyan ng award ng mga Pilipino doon.
Gerald minalas kay Maja?
Maraming nakapuna, magbuhat daw noong ma-in love si Gerald Anderson kay Maja Salvador, unti-unti siyang nawawala sa industriya. Huli siyang napanood noon sa Budoy, Bukas na Lang Kita Mamahalin, at Dyesebel. Dumaragsa ang mga bagets na ibini-build up sa ABS-CBN kaya dapat maging alert si Gerald.
Happy birthday Ms. Charo
Happy Birthday din sa bituin ng Maalaala Mo Kaya, Ms. Charo Santos. Naalala namin noon, si Charo ay naging Baron Travel Girl at star ng pelikulang Itim. Napakalayo na ng narating ng the most beautiful girl from Calapan, Oriental Mindoro
May bonggang photo exhibit ang Mowpap sa Nov. 14 at 15 sa bulwagan ng Quezon City Hall na tatampukan ng mga photographers ng showbiz.
Pitik-bulag ang gaganaping contest at may kaukulang premyo sinumang mapiling manalo. Ang mowpap ay grupo ng mga photographers at showbiz writers. For information, contact Tarsila Castanares.