Mansion ni Coco bubuksan para kay Kris

MANILA, Philippines - Pagkatapos i-feature ni Kris Aquino ang napakalaking mansion ni Mother Lily Monteverde, plano naman niyang ipakita ang ganundin halos kalaking bahay ni Coco Martin sa kanyang morning show, ang Kris TV.

Ito raw ang sampung taong katas ng showbiz ni Coco na ginawang lahat ang magagawa para lang marating ang kinalalagyan niya ngayon.

Tingin naman namin kay Coco, may nabago man sa kanya, ito’y bahagya lamang at dala ito siyempre ng kasikatan. Knowing Coco, marunong naman itong lumingon sa pinanggalingan.  Alam niya ang hirap na pinagdaanan kaya ayaw na niya itong muling maranasan.

VV hindi na makaarte

Hindi naging problema kay Direk Chito Roño si Vivian Velez nang kunin niya itong nanay-nanayan ni Jessy Mendiola sa The Trial na hanggang ngayon ay talk of the town dahil sa ganda ng pelikula at husay ng mga nagsisiganap. Mahusay na raw na aktres si Vivian ngayon, hindi tulad ng dati na puro pa-sexy lang siya.

At ang maganda kay VV ay sumusunod na ito sa instruction ngayon lalo na pagdating ng “continuity”.

Noon kasi, kahit kailangang isuot ang dating damit para sa eksena, ayaw ni Vivian.  “Ayoko ng damit na isinuot ko na!” sasabihin niya kahit kailangan dahil sa pagpapatuloy ng eksena.  Noon iyon. Pero ngayon, hindi na niya pwedeng gawin dahil hindi na siya asawa ngayon ng producer.  -ROLAND LERUM

 

Show comments