Vivian Velez Pinoy ang bagong partner

MANILA, Philippines - Pinoy ang latest boyfriend ni Vivian Velez nang dumalo ito sa birthday party ni Annie Brazil, nanay ni Richard Merk kamakailan. Sexy pa rin si Vivian hanggang ngayon, pero hindi na perfect figure tulad ng dati. Remember, nakilala siya bilang Miss Body Beautiful noon. Kumpare pala niya si Richard Merk na magbi-birthday din sa Oct 17.

Magbubukas ng isang bar si Vivian sa Metrowalk sa October 30, na Frazz ang pangalan.

Nakilala namin si Vivian noong girlfriend at live-in partner pa niya si Amado Tan na producer ng Amazaldy Films.  May dalawa siyang anak sa isang taga-Middle East.  Americano ang sumunod niyang boyfriend at Pinoy nga sa kasalukuyan ang kanyang partner.

Maxene nagpatulong para makapag-ober da bakod

Hindi naman pala co-host ang papel ni Maxene Magalona sa It’s Showtime kundi isa lang siya sa judges sa contest nila. Certified na Kapamilya na ngayon si Maxene. Iniwan na niya sa Syete. Nakipag-usap siya kay Malou Choa-Fagar para matulungan siyang lumipat ng network kasi bihira na siyang bigyan ng show sa Syete.

Lately naging guest si Maxene sa Kris TV kung saan nagpakita siya ng husay sa pole dancing at exercise.                                              

 

Show comments