Alden may edad ang gustong maging GF
Ang suwerte ni Alden Richards dahil ang gaganda ng mga project ng GMA 7 para sa kanya. At ang latest ay isang game show na pinamagatang Bet ng Bayan. Laking tuwa ng poging aktor dahil ang ka-tandem niya rito ay si Regine Velasquez na paborito pala niya noong wala pa siya sa showbiz.
Noong Linggo, October 5, umere na ang nasabing programa, kaya tuwang-tuwa raw siya na feeling fulfilled na raw ang career dahil sa pagiging host ng talent show. Noong mag-start sila ni Regine ng taping ang lakas ng kabog ng kanyang dibdib. Pero sinabihan siya ni Regine na “relax kaya mo ‘yan!”
Tinanong si Alden na baka ‘yung nerbyos niya ay may kaibang kahulugan. Baka na-fa-fall in love siya sa kanyang idol. Natawa si Alden at no comment pero inamin niya na if ever na mag-ka girlfriend, type niya ang mas older sa kanya ng mga 2-5 years old ang agwat. Ano ang “bet” ninyo, okey kaya sa bayan or sa fans ni Alden ang makarelasyon ay mas oldie sa poging actor?
Marion hindi napigilan na mag-showbiz
Ang tangkad ni Marion Aunor, good-looking at pang beauty pageant ang dating ng panganay na anak ni Lala Aunor na pinsang buo ng Superstar na si Nora Aunor.
Sabi ni Marion, bata pa siya ay mahilig na siyang kumanta pero ayaw ng mommy niya na maging singer o sumunod sa yapak nito. Mas priority nito na magtapos ng kolehiyo at asikasuhin ang negosyong recruitment agency. Sinunod ni Marion ang gusto ng mommy niya na magkapagtapos ng college sa Ateneo sa kursong management pero sadyang hindi na maawat ni Lala si Marion sa pagiging singer nito. Pinayagan na ni Lala ang anak na pasukin ang mundo ng musika Talaga raw malakas ang hatak ng dugong mang-aawit na nananalaytay sa batang Aunor.
- Latest