Kasama si MVP, G2 matagumpay na nairaos at nakapagpasaya ng mga guro

Mistulang isang grand concert ang nagpasaya sa ilang libong mga guro na dumalo sa Gabay Guro Grand Celebration 2014 na ginanap sa SM Mall of Asia Arena in Pasay City last Sunday, October 5, handog ng Gabay Guro ng PLDT-Smart Foundation. Nagsimula ang annual celebration for teachers na itinapat sa Teacher’s Month ng 1:00 p.m. sa pamamagitan ng ilang songs ng Side A headed by Joey Generoso na sinasabayan ng mga guro ang pagkanta nila. Ilan pa sa mga performer sina Pops Fernandez, may dance showdown ang UMD Dancers, Maneouvrs, EB Babes, Speed Dancers pero ang hinangaan talaga ng lahat ay ang UP Pep Squad exhibition. Paborito ng mga guro si Ate Gay taun-taon at kahit na nga every time ay ginagawa niya ang kanyang The Door declamation, biling-bili pa rin ito ng audience, na kasama niya sina Regina, Dax Martin, at Jose O.

Nagbigay din kasiyahan sina Manilyn Reynes, Jessa Zaragoza, Rachel Alejandro, at Dingdong Avanzado, Iya Villania, ABS-CBN’s The Voice Kids, Michael Pangi­linan, Sam Mil­by, Jodi Sta. Ma­ria, Jonalyn Viray, Dulce, Ogie Alcasid, Regine Velasquez-Alcasid na first time nag-join ng celebration, at ang perennial guest ng Gabay Guro, si Derek Ramsay. Naroon din at nakiisa sina Mr. Manny V. Pangilinan (MVP), PLDT-Smart Foundation Chairman at Ms. Chaye Cabal-Revilla, Gabay Guro Chairman na siyang over-all na namahala ng celebration, ilang officers ng Department of Education headed by USec Umali.

Sina Mikael Daez at Ogie ang nag-announce ng mga pre-drawn winning numbers na nakakuha ng Samsung tablets, laptops, motorcycle, pangkabuhayan tricycle, 50,000 and 100,000 pesos cash prizes, may nanalo rin ng trip-to-Hong Kong for two, house and lot at isang sasakyan. Bago iyon, namigay din sila ng Sun Cellular at Smart phones. Congratulations sa lahat ng mga guro at sa GabayGuro.

Gardo ‘di tanggap ang ‘ginawa’ ni Gabby!

Natanong namin si Gardo Versoza sa last presscon ng afternoon prime ng GMA 7 na Dading, kung siya ba ang gagawa ng ending ng kanilang story na magwawakas na this week, kanino niya gustong mapunta ang batang si Precious na anak ni Beth (Glaiza de Castro) matapos itong iwanan ng boyfriend na si Joemer (Benjamin Alves) at si Carding (Gabby Eigenmann) na ang nagpalaki rito?

“May batas kasi tayong sinusunod diyan, lalo na kung ang edad ng bata ay dapat nasa ina,” sagot ni Gardo. “Kung napansin ninyo sa mga nakaraang eksena, hindi ako pabor kay Carding na itago niya si Precious at huwag ipakita sa tunay na magulang nito. Pero naaawa rin ako kay Carding dahil pitong taon niyang binuhay at inalagaan sina Precious at Beth, tapos ay biglang kukunin sa kanya ang bata. Pero huwag ninyong i-miss ang finale namin dahil tiyak na matutuwa rin kayo sa ginawa ng mga writer at ni direk Ricky Davao para maging katanggap-tanggap sa mga sumubaybay sa aming soap.”

Mapapanood ito pagkatapos ng The Half-Sisters.

Show comments