DOTC secretary Abaya makikipagtsikahan kay Mareng Winnie

MANILA, Philippines - Handa raw siyang maalis sa tungkulin, kung ito ang magiging desisyon ni Pangulong Aquino. Ito ang sinabi ni Transportation and Communications Secretary Jose Emilio Abaya, sa gitna ng sandamakmak na reklamo sa sistema ng transportasyon sa bansa.

Sa panayam ni Prof. Solita Monsod (Mareng Winnie), sinabi ni Sec. Abaya na sa kanyang paningin, ang paghawak ng puwesto sa gobyerno ay isang pribilehiyo at hindi isang karapatan. 

Kinikilala rin daw niya ang katwiran ng mga pasahero na magreklamo at humingi ng bago at mas mabilis na serbisyo ng transportasyon. Nagpapasalamat din daw siya dahil pasensyoso ang mga Pilipino. 

Sinabi ni Sec. Abaya na sa Agosto 2015 ay darating na ang mga bagong bagon para sa MRT. Mas maaga raw sana itong darating kung hindi nagkaroon ng aberya sa mga kontrata sa maintenance at bagong gamit para sa tren. 
Alamin ang sagot ni Sec. Abaya sa iba pang mga reklamo ng publiko laban sa kanyang tanggapan sa Bawal ang Pasaway kay Mareng Winnie mamayang 10:15 ng gabi sa GMA News TV Channel 11.

 

Show comments