Legendary wedding nina George Clooney at Amal Alamuddin, 30 minuto lang tumagal

Ang People at Hello magazines ang nabigyan ng rights para ilabas ang mga wedding photos ng newly-wed bachelor na si George Clooney sa kanyang fiancée na si Amal Alamuddin.

Naganap ang 30-minute wedding ng dalawa noong nakaraang September 27 sa historic Aman Canal Grande in Venice, Italy.

Nasaksihan ang pag-iisang dibdib nina George and Amal ng kanilang 100 guests at sa mga paparazzi na naghintay sa kanila sa labas sakay ng mga water taxi.

“Feels pretty damn great!” sey pa ng 53-year-old Clooney sa kanyang interview with People.

Ayon pa sa People, special and legendary ang wedding ng dalawa dahil hindi lang ang Hollywood foreign press ang naroon kundi pati na ang Arabic press dahil sa middle-eastern heritage ni Amal na Mrs. Clooney na ngayon.

“George and Amal radiated love all night. The wedding was so unbelievably special, it was legendary. These three days – the friends, the families, the atmosphere, everything – will stay with them all the rest of their lives.”

Suot ng groom ang isang black tuxedo na gawa ni Giorgio Armani. Gawa ito sa ultra-fine wool/cashmere. Suot din ni George ang customized cufflinks na regalo ng kanyang bride. Naka-engrave ang name na “George” in Arabic sa mga cufflinks.

Ang wedding gown naman ni Amal ay gawa ni Oscar dela Renta. Gawa ito sa French lace at hand-embroidered pearls and diamante accents. Off-the-shoulder neckline ito with full circular train.

Pinili ang Venice para sa kanilang wedding dahil ang Italy ang “most romantic city in the world” para kina Mr. and Mrs. Clooney.

“We met in Italy. We have a home there. We knew that was where we wanted to get married,” diin pa ni George Clooney.

Alden nakakapamasyal nang libre!

Kapwa naiintindihan nila Regine Velasquez-Alcasid at Alden Richards ang hirap ng pinagdaraanan ng mga taong nag-o-audition dahil napagdaanan din daw nila iyon.

Si Regine ay bihasa na sa pag-audition noong nagsisimula pa lang siya bilang singer, pero dahil sa kanyang tiyaga at pagsisikap ay narating niya ang pagiging Asia’s Songbird.

Gayun din si Alden na mahilig din mag-audition at naranasan na niyang ma-reject noon sa mga reality shows na StarStruck at Pinoy Big Brother. Pero hindi nga raw iyon ang nakapagpigil sa aktor na magsumikap at ngayon ay isa na siya sa pinaka-busy na talent ng Kapuso network.

Kaya bagay silang pagsamahin sa bagong reality talent search ng GMA 7 na Bet ng Bayan na magsisimula na sa October 5.

Ikinatuwa ni Regine na mag-host ng show na ito dahil nagawa niyang malibot ang iba’t ibang mga probinsya at makita ang kakaibang talento ng mga Pinoy.

“Nakakabilib sila dahil halos lahat naman ng mga nag-audition, ang mga rason nila ay ang makatulong sa kanilang pamilya.

“Napansin ko rin, kahit na sobrang tagal nilang maghintay sa auditions, hindi sila nawawalan ng energy. Nandoon pa rin ang pagiging masayahin ng mga Pinoy and surprisingly, todo-bigay sila sa audition. Akala mo grand finals na!” tawa pa ni Regine.

Si Alden naman ay kahit na buhul-buhol na ang schedules dahil bukod sa Bet ng Bayan ay nagte-taping pa siya ng Ilustrado at nagsu-shooting siya ng pelikulang Cain at Abel with Mark Herras, enjoy daw siyang pumasyal sa mga probinsya kung saan may audition ang show.

“Pagkakataon ko na rin kasing makapasyal nang libre!” tawa pa niya.

“Kung ako lang, hindi ko magagawang pumunta sa mga lugar na ito dahil sa kapos sa panahon.

“Kahit nakakapagod, it was all worth it dahil marami kang napapasaya at nabibigyan ng pag-asa na maging maganda ang buhay nila.”

 

Show comments