Compared sa kanyang income raw as actor-TV host, ani Luis Manzano, ‘di hamak na mas malaki ang kinikita ng girlfriend na si Angel Locsin, considering, Luis specified, her status as an actress. Not to say, as commercial endorsers as well.
But money, Luis stressed, he and Angel never discussed. As far as he is concerned daw, even when the time comes na maging mag-asawa na silang dalawa, Angel’s income will remain hers.
He will support her at ang kanilang magiging pamilya.
Although, on second thought, Luis said, he would prefer na ‘di na magtrabaho si Angel, after their marriage. He will appreciate na maging plain housewife na lang ito.
Marriage, though, again, Luis stressed, will not happen this year. Nor in the early months of 2015.
Aware raw si Luis of the two film commitments na mayroon pa si Angel with Star Cinema. One, nga is Darna. And the other one, which will co-star Angel with his mom, Batangas Governor Vilma Santos.
Heard that Star Cinema managing director, Malou Santos, would have wanted him to be in the Angel-Gov. Vi movie.
Luis reportedly begged off.
Magiging abala si Luis bilang host sa second season ng The Voice Philippines. Natapos na rin nila ang shooting for Viva Films’ Moron 5, co-starring him with Billy Crawford, DJ Durano, John Lapus, at Marvin Agustin. Added to the cast is Matteo Guidicelli, bilang replacement kay Martin Escudero, na dating nasa Moron 5, ayon kay Direk Wenn Deramas.
Direk Arman tinutukan ng baril ng mga mang-aagaw ng cellphone
Hoy, Salve A., let’s take to heart, including all PM readers, as well, this kuwento na na-experience raw mismo ni Direk Arman Reyes.
It happened only a few days ago and in broad daylight.
Four p.m. daw, ayon sa kanyang relo, nang habang tinatahak niya ang eskinita between Road 3 at Visayas Avenue sa Project 6, biglang may tumutok na lang sa kanya ng baril ng isang mama, na biglang isinalya siya sa lupa at inagaw bigla ang kanyang dala-dalang tablet.
Mabuti na lamang daw at ang kanyang grey bag, na nasa kanyang balikat at naglalaman pa mandin ng kanyang allowance for the week, ay ‘di obviously na napansin.
Kung sabagay daw, umatungal siyang bigla. Kaya, na-call ang atensiyon ng mga taong nasa dulo near Visayas Avenue.
Ganunpaman, wala sa mga itong lumapit sa kanya. Para, alalayan siya sa kanyang pagka-dapa.
But, at least daw, naging dahilan ito para iwanan siya ng ngayo’y may dala-dala na ng kanyang tablet, na may kasama pala.
Heto na ang siste, when he made kuwento sa isang pulis ang nangyari sa kanya, ang payo raw nito sa kanya, mag-ingat na lang siya next time.
Uso raw kasi ang nanghahablot ng celfon at iPad.
A, ganon, in turn ang naging reaction daw ni Direk Arman.
Tanong lang, kung ‘di tayo safe sa paglalakad sa kahit aling kalye on our way home, saan kaya tayong lugar safe?
Sa ating tahanan?
‘Di ba ang 75 year-old na Mommy ng aktres na si Cherry Pie Picache na si Ginang Zenaida Sison ay nanahimik sa kanyang bahay nang biglang may mga umakyat sa kanyang bahay sa isa sa mga Scout areas sa Morato area at inulanan siya ng kung ilang saksak?
Kuwento rin ng senior-actress na si Luz Valdez. Aniya, a fellow member niya sa Oasis of Love, a religious community founded by Christopher de Leon, who resided in the same area when Cherry Pie’s Mom lived, ay naging biktima rin nang kung tagurian ng mga pulis ay akyat-bahay gang.
She was only 68 years old, at nag-iisa rin sa kanyang bahay nang mangyari ang ‘di dapat, kumbaga maganap.