Nora nagpakain ng lechon sa mga batang ulila

MANILA, Philippines - Ilan sa mga kabataang nanabik mapanood ang movie na Dementia ni Superstar Nora Aunor ang mga ulila sa orphanage sa San Martin de Pores sa Bustos, Bulacan. Doon nag-shooting si Guy at inabot ng maraming araw. Ipinanalangin nilang kumita ang pelikula.

Napakabait daw ng aktres noong mag-shooting sa Bustos at kinantahan siya ng mga ulila. Hindi akalain ng mga ulila na nagpahanap ng isang lechon ang aktres kahit gabi na at ipinakain sa kanila.

Problema nga lang, hindi nila mapapanood ang movie dahil nasa gitnang bukid sila at walang sinehang mapanooran ng pelikula ni Direk Perci Intalan. May nagbulong sa amin, bakit hindi nila padalhan ng DVD ng Dementia ang mga bata para masaksihan nila ang movie ni Nora.

Ejay at Yam huling nagdi-date

Mabuti na lang may nakakita kina Ejay Falcon at Yam Concepcion sa isang place sa Ortigas na magkasama. Hindi raw kasi mamatay-matay ang issue na may relasyon sila ni Sunshine Cruz, na hindi naman totoo. Parang nanay na kasi ni Ejay si Sunshine kaya’t imposible ang ibi­nabalita nila.  

Show comments