MANILA, Philippines - Dapat si Rufa Mae Quinto ang ibalandra sa mga eksenang katatawanan sa Bubble Gang dahil kilalang komedyana ito. ‘Yung iba kasi, pa-beauty lang pero hindi epektib ang pagpapatawa. Mabuti na lang, naririyan sina Bentong at Diego na nagpapatawa. Minsan kasi, parang ekstra na lang si Rufa Mae na basta maisingit lang sa eksena. Iba pa rin ‘yung may drama siya, paging Michael V.
Coco masinop pa rin, ayaw bumalik sa hirap
Dapat gayahin ng mga kapwa artista si Coco Martin. Kahit marami na siyang kinikita sa showbiz, matipid pa rin ito at ‘di basta-basta bumibili ng kahit ano. Katwiran ng actor, mahirap ang buhay ngayon at weder-weder lang ang pagsikat. So, iniipon niya ang kanyang mga kadatungan para kung hindi na siya hot, may dudukutin siya.
Laki sa hirap si Coco kaya’t alam niya kung pano mahalin ang datung.
Pangako sa Escolta ni Erap hindi pa natutupad
Kailan ba ibabalik ni Manila Mayor Joseph Estrada ang kagandahan ng Escolta? Nabanggit niya ito noong iboto bilang Mayor of Manila. Dating showbiz arena ang Escolta, lahat halos ng mga movie productions ay naririto, kasama na ang JE Production ni Erap. Sana matuloy ang balak at hindi lang isang pangarap.
Nora naalala ang sarili kay Ryzza Mae
Naaliw daw si Nora Aunor nang makausap si Ryzza Mae Dizon sa programa ng bagets na The Ryzza Mae Show. Humanga siya rito sa tindi ng mga tanong at pagsagot sa kanya ng pinakabatang TV host!
Naaalala tuloy niya ang kabataan niya, maurirat din kasi siya noon. Tama ang kasabihan na ang batang matanong, lalaking marunong.
Speaking of Ate Guy aalis na raw ito sa TV5, wala naman kasing project na maibigay sa kanya ang network. Pero hindi naman niya makakalimutan ang utang na loob niya sa Singko. Dahil ito ang nagbukas ng pintuan sa kanyang pagbabalik-showbiz!
Gusto lang daw niyang magtrabaho at ayaw niyang suweldo lang nang suweldo na wala namang work. Korek!
Palabas na pala ang movie niyang Dementia released by Regal Films.
Fans ni Carla ayaw kay Sid
Bahagyang tumamlay ang mga televiewers ng My Destiny noong ma-involve si Carla Abellana kay Sid Lucero.
Mas pabor sila kay Tom Rodriguez at may kilig kasi kapag si Tom ang lover boy ni Carla. Hindi tuloy umepekto kahit sabihin pang sa Singapore kinunan ang ilang eksena nila. Mas gusto nilang ang dalawa ang pagtambalin at hindi kay Sid.