^

Pang Movies

Baka sa Valentine’s Day magpakasal, John at Isabel engaged to be married na rin!

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Ibang mag-buena mano si Dingdong Dantes, after his marriage proposal kay Marian Rivera last August 9, nasundan ito ni Chito Miranda kay Neri Naig, Sen. Chiz Escudero kay Heart Evangelista at last Wednesday evening, sa gitna ng Eastwood Mall, kasama ang may 300 dancers, idinaan sa sayaw at pag­kanta ni John Prats ang marriage proposal niya kay Isabel Oli, his girlfriend of two years, in flash mob style, as­king Isabel na “pwede ka bang maging Mrs. Prats ng buhay ko?” Umiiyak na sumagot ng “yes” si Isabel na nagulat dahil akala niya ay may date lamang sila ni John ng gabing iyon sa mall. May kasama pang fireworks ang marriage proposal na ikinatuwa at ikinamangha raw ng mga namamasyal sa mall. Madaling nai-post ito ng mga close friends ng new couple to be na sina Angelica Panganiban, Chynna Ortaleza, Sherilyn Reyes-Tan, at ng sister niyang si Camille Prats. 

Wala pang detalye kung kailan ang kasal, hindi kaya sa February 14, 2015 na rin sila magpakasal dahil birthday iyon ni John?

James tuloy ang ginawang pagkanta kahit nahulog na sa stage

Sa late night GMA News, sa Saksi, ipinakita ang pagrampa ng ilang Kapuso actors sa Cosmopolitan Bachelor Bash held at World Trade Center nang gabing iyon, September 24. Ilan sa kanila na tini­lian ay sina Geoff Eigenmann, Pancho Magno, JC Tiuseco, Benjamin Alves, Rafael Rosell, at Jeric Gonzales. Kasama ring rumampa si Mr. Philippines 2014, si PO2 Mariano Flormata, Jr. na pinasok na rin ang showbiz at mapapanood na siyang umarte sa Sabado, sa Pogi Policeman episode ng Magpakailanman, with Kristoffer Martin.

Nahulog naman sa stage ang heartthrob na si James Reid habang nagpi-perform. Siguro raw dahil nakasuot ng dark glasses ang young actor habang kumakanta, hindi nito napansin na nasa gilid na siya ng stage at nahulog siya. A professional, madaling umakyat muli sa stage si James at itinuloy ang pagkanta na parang walang nangyari.

Drew, anak muna ng iba ang gustong i-enjoy

Mahilig sa mga bata si Drew Arellano, pero nang tanungin namin sa launch ng bago niyang iho-host na Bonakid Pre-School Ready Set Laban Season 2 kung kailan naman sila mag-aanak ng wife na si Iya Villania, hindi pa raw this year, sa 2016 pa, marami pa raw silang dapat munang tapusin ni Iya bago sila magkaanak. Ibubuhos daw muna niya ang panahon niya sa mga batang makakasama niya sa show, with their mommy na tutulong sa kanila sa pag­la­­laro ng mga larong Pinoy na gusto ng Bo­nakid na matutunan nila habang mga bata pa sila.  Nagkaroon sila ng nationwide auditions sa Cebu, Davao, and Metro Manila at ang mga napili sa provinces ay dinala nila rito sa Manila.

Happy si Drew na siya ang pinag-host ng game show na nanalo na ng Anak TV Seal Award. Mapapanood sila sa Linggo, October 5. 10:45 a.m., after IBilib. May Home Partner Promo ang show na pwedeng mag-participate ang mga home viewers at manalo ng cash prize. I-submit ang inyong entries sa www.gmanetwork.com/pro­mos/readysetlaban. Every week may isang lucky home partner na mananalo ng Php20,000 cash.

 

vuukle comment

ANGELICA PANGANIBAN

BENJAMIN ALVES

BONAKID PRE-SCHOOL READY SET LABAN SEASON

CAMILLE PRATS

CHITO MIRANDA

CHIZ ESCUDERO

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with