Kilig-kiligan ang mag-sweetheart na Jasmine Curtis-Smith at Sam Concepcion sa grand launch cum presscon ng Wattpad Presents ng TV5. Ito kasi ang kanilang first mini-series titled My Tag Boyfriend. Siyempre ay excited and happy ang dalawang teen dahil first time na magkasama sila sa trabaho. Salamat din dahil ipinahiram ng ABS-CBN si Sam sa TV5. Although may nerbyos sa first taping day under Monti Parungao, naging professional sila at nakatulong pa ang kanilang relasyon para maging comfortable sila sa pagtatrabaho.
Gagampanan ni Jasmine ang role ni Sitti Sandoval, a self-confessed Facebook (FB) addict. Sa istorya na-tagged niya nang ‘di sinasadya ang campus heartthrob na si Kaizer Buenavista (Sam) sa isa niyang FB post. Sumunod na rito ang mga funny and kilig moments na encounters nila, leading to a romantic twist.
Ayon kay Jasmine, lagi siyang pinatatawa ni Sam at kinikilig siya sa mga ganoon. Si Sam naman, makita raw lamang niya si Jasmine, kinikilig na siya. So paano Sam, paalis si Jasmine for an overdue vacation sa Australia sa September 27 at two weeks siyang mamalagi roon with her mom? Tiyak na mami-miss nila ang isa’t isa.
Kaya si Jasmine, sunud-sunod ang work bago siya umalis, una nga ay nagpu-promote siya ng horror movie na Dementia with Nora Aunor, directed by Perci M. Intalan na showing na sa Wednesday, September 24. At sa Monday naman, September 22, 7:00 p.m. ang premiere ng mini-series na My Tag Boyfriend, na mapapanood hanggang Friday, September 26, sa TV5.
Ang mga susunod na Wattpad Presents mini-series ay Mr. Popular Meets Ms. Nobody with Mark Newman and Shaira Mae dela Cruz; Poser with Akihiro Blanco and Chanel Morales; Almost A Cinderella Story with Carl Guevarra and Eula Caballero.
Gabby iyak nang iyak sa Miracle…
Kapag pinapanood naming mag-portray si Gabby Eigenmann bilang beki na si Carding, sa GMA 7’s afternoon prime drama series niyang Dading, hindi kami makapagpigil na mapaiyak sa mga drama scenes niya. Nakakadala kasi talaga ang kanyang portrayal. Pero bukas, Sunday, at 11:45 a.m., bago ang Sunday All Stars, sa Kapuso Movie Festival, tiyak na iiyakan ng mga manonood ang Korean blockbuster film na Miracle in Cell No. 7. Itatampok ang boses ni Gabby sa role ni Lee Yong-gu, ang lalaking may problema sa pag-iisip na nakulong sa maximum security prison, sa Cell No. 7. Nahatulan siya ng kamatayan sa kasong murder. Bibigyan naman ng buhay ni Kapuso child star na si Mona Louise Rey ang character ng anak ni Yong-gu, na si Ye-sung. Lalong magiging matindi at madrama ang kuwento sa muling pagkikita ng mag-ama sa tulong ng mga criminal sa selda na kasama ni Yong-gu.
Ayon kay Gabby, nahirapan siyang mag-dub sa Tagalog ng mga lines niya dahil naiiyak siya habang nagda-dub at napapanood ang mga eksena. Pero labis ang pasasalamat niya sa GMA 7 na siya ang pinag-dub sa napakagandang Korean movie.