^

Pang Movies

Dementia may nahagip na multo sa Batanes!

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Inamin ni Director Percival M. Intalan na na-inspire siyang gawin ang first movie directorial job niyang Dementia dahil may dementia ang kanyang pinakamamahal na ina. Alam daw niya kung paano mamuhay ang isang pamilya kung may dementia patient silang kasama. 

Pero ayaw niyang tungkol sa karamdaman at sa pinagdadaanan ng pamilya ang talakayin niya dahil marami na raw siyang napanood na pelikulang ganoon. Kaya, ginawa niyang horror story ito, na isinulat nina Direk Jun Robles Lana at Renel Dimla, dahil totoo naman na ang mga taong may dementia ay nagsasabing may mga nakikita silang bagay na hindi naman nakikita ng iba, sasabihin lamang tiyak na dala iyon ng karamdaman nito? Paano kung totoong may mga bagay kang matutuklasan?

Sa Batanes nag-location ng movie si Direk Perci at natanong namin kung totoong may nakita silang mga tao o bagay na hindi naman kasama sa shooting?  Wala naman sila eksaktong nakita pero iyong first two nights daw nila sa location, hindi sila nakatulog lahat.  Ang maganda lamang, nakisama sa kanila ang panahon at ang mga gusto nilang makuhang ambiance para sa isang horror movie, especially ang malakas na hangin na magdudulot ng ibang pakiramdam sa mga taong manonood ng movie simula sa September 24. 

 Abangan na raw lamang iyong eksena ni Chynna Ortaleza bilang multo na naka-wedding gown kung saan may ibang babaeng naka-wedding gown din na nahagip ng camera ng cine­matographer na si Mackie Galvez, pero ang nakakakilabot ay hindi si Chynna iyon. 

Anak nina Guy at Pip, hindi na mahanap

Maagang dumating sa presscon si Ms. Nora Aunor at marami ngang natanong sa kanya sa interview bago ang open forum. 

Isa rito ay ang pagkakaalam niyang mayroon palang movie ngayon na Maria Leonora Teresa nang sunud-sunod siyang tanungin tungkol sa ma­nikang ibinigay sa kanya noon ng ka-love team na si Tirso Cruz III. Sinabi pa nitong gusto sanang maibalik sa kanya ang manika dahil kanya raw naman iyon. 

Sad to say, Ate Guy, nakausap namin si Pip, pero wala pala sa kanya si MLT.  Nang yumao pala ang mommy niya at naibenta nila ang bahay nila sa New Manila, ibinalik na lamang sa kanila ng mga naglinis ng bahay ang mga gamit nilang naiwanan pa, pero wala na ang ibang mahahalagang bagay kasama nga ang manika na walang nakapagsabi kung sino ang nakakuha o kung saan ito napunta.

Anyways, sa full trailer pa lamang ng Dementia, kitang-kita mo kung gaano kahusay ang Superstar. Kahit sinabi ni Guy na isa lamang yata ang dialogue niya sa movie at mga mata at facial expressions lamang niya ang ginamit ni Direk Perci para maipakita ang reaksyon niya sa nangyayari sa istorya.  Nagbiro pa si Guy nang tanungin kung ano ang role niya sa movie, nagkunwari siyang na-dementia siya at hindi niya matandaan na siya pala si titser Mara Fabre na ini­uwi ng family niya sa Batanes para matandaan niya ang mga lugar at mga kakilala niya roon.  Pero mali, dahil may mga visions siyang nakikita na hindi nakikita ng iba, maliban sa pamangkin niyang si Rachel (Jasmine Curtis Smith) na nakaisip na baka nga may mga things from the past na bumabagabag sa kanya ngayon.  Iyon ang tutuklasin ni Rachel.

ATE GUY

CHYNNA ORTALEZA

DIREK PERCI

KUNG

NIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with