Manay Lolit nagsalita sa naging problema nina Jolo at Jodi

Sa launch ni Jodi Sta. Maria as second time celebrity endorser ng CosmoBody, bago ang presscon proper, natanong na namin si Manay Lolit Solis (who’s very close to the Revilla clan) kung ano na ang real status ng relasyon nina Jodi at Cavite Vice Governor Jolo Revilla.  May nag­sasabi kasing nagkakalabuan na raw ang dalawa na mabilis na itinanggi ni Manay Lolit. 

Hindi raw naman naiiwasan talaga na paminsan-minsan nagkakatampuhan ang magkarelasyon pero sina Jodi at Jolo, mabilis namang mag-ayos kung anuman ang hindi nila napagkakasunduan.  In fact si Jolo ang naghatid kay Jodi sa Star Magic ball last week. 

Hindi na raw lamang pumiktyur si Jolo pero hinintay pa rin niya ang girlfriend saka sila magkasamang nag-dinner pagkatapos.  As usual, kahit natanong muli si Jodi sa presscon, ngumiti na lamang siya at matipid na “ayos po naman kami” ang sagot niya dahil napaka-private nga niya kapag love life na ang usapan.

Inamin ni Jodi na thankful siya sa CosmoBody sa muling pagkuha sa kanya as their endorser, dahil talagang nakatulong sa kanya ito para mapanatili niyang maganda ang shape at weight niya sa kabila ng pagiging super busy niya sa work. 

Masipag ding mag-promote si Jodi ng product kaya naman happy ang mga owners nito na sina Niño Bautista at Redentor Gatus, hindi raw sila nagkamali na kunin muli si Jodi.

Ipinagpapasalamat din ni Jodi na successful ang kanyang milk tea business at bukod sa morning soap niyang Be Careful With My Heart (na hindi pa rin daw niya alam kung kailan sila matatapos kahit more than two years na sila sa ere) at sa bago niyang horror movie from Star Cinema na Maria Leonora Teresa, where she plays the role of Stella, the over protective mother of Teresa. Masaya raw siya sa mga blessings na dumarating sa kanya at iniipon niya lahat ng mga kita niya para sa future ng 5-year-old son niyang si Thirdy.

Dennis maraming natutunan sa pagiging doktor

Thankful si Dennis Trillo na tapos na siyang mag-taping ng Sa Puso Ni Dok with Bela Padilla bago siya sumabak sa matitinding eksena ng bago niyang drama series na Hiram Na Alaala sa GMA 7.  Inamin ni Dennis na medyo mahirap ang taping ng medical drama series dahil on location din sila, pero marami raw siyang natutunan dito sa role niya bilang doctor na first time niyang nagampanan.  Nagpasalamat din siya sa mga manonood dahil mataas ang ra­ting nila. Mamayang gabi, mapapanood naman ang fourth episode nila after ng Kapuso Mo Jessica Soho.

 

Show comments