^

Pang Movies

Dennis istriktong doktor

Pang-masa

MANILA, Philippines - Mula sa produksyon na naghatid ng de-kalibreng mga drama na Bayan Ko at Titser, inihahandog ng four-time George Foster Peabody winner GMA News and Public Affairs ang kauna-unahang original medical drama series sa bansa – ang Sa Puso ni Dok – na nagsimula noong Linggo, Agosto 24, sa GMA-7.

Sa pangunguna ni multi-awarded Kapuso actor Dennis Trillo kasama ang award-winning artist na si Bela Padilla, tampok sa six-part weekly series ang masaklap na realidad sa estado ng pampublikong kalusugan sa bansa.

Makikilala sa Sa Puso ni Dok ang guwapo, istrikto, at maparaang head resident doctor ng Melchora Aquino General Hospital na si Doc Dennis de Vera (Dennis Trillo). Dahil sa dedikasyon niya sa kanyang profession, hindi nahihikayat magtrabaho sa ibang bansa si Doc Dennis. Ginagamit niya ang kanyang oras sa paggagamot sa mga pasyente sa ospital at sa mga may sakit sa mga liblib na baryo.

Takot nang magmahal, mapagtatanto ni Doc Dennis na may ibang plano ang kapalaran sa kanya sa katauhan ni Doc Gabrielle dela Cruz (Bela Padilla), isang masayahing Medicine graduate na kailangang kumpletuhin ang kaniyang return service program bago makapagtrabaho sa ibang bansa.  Puno ng idealismo, magugulat si Doc Gab sa kanyang matutuklasan sa nasabing ospital - kulang ang pasilidad, maging ang mga nurse at doktor, at kakaunti lamang ang supply ng gamot.

Kung si Doc Gab ay kulang sa karanasan para harapin ang mga sitwasyon sa ospital, may sarili namang diskarte si Doc Dennis kung paano ito bibigyang solusyon.  At sa kanilang magkaibang personalidad, tanggapin kaya ni Doc Dennis na gabayan ang bagong doktor?  Maimpluwensiyahan kaya niya si Doc Gab para manatili na lamang sa bansa at maglingkod sa mga lokal na residente?  O si Doc Dennis kaya ang makumbinsi na umalis sa nasabing baryo at mangibang bansa?

Mula sa direksyon ng internationally-acclaimed filmmaker na si Adolf Alix, Jr., tampok din sa nasabing medical drama series sina Anita Linda, Menggie Cobarrubias, Maey Bautista, AJ Dee, Gigi Locsin, Stephanie Sol, Elijah Alejo, Flor Salanga, at Sunshine Teodoro. 

Huwag palagpasin ang six-part series na Sa Puso ni Dok tuwing Linggo pagkatapos ng Kapuso Mo, Jessica Soho sa GMA-7.

Bea at Jake excited sa strawberry

Ngayong Setyembre, patuloy na bibihagin ng GMA Network ang mga puso ng mga Filipino viewers dahil ipapalabas na ang pinakabagong primetime light family drama series na Strawberry Lane sa GMA Telebabad. 

Muling magkakaroon ang mga Kapuso viewers ng panibagong kagigiliwan gabi-gabi dahil itinatampok sa Strawberry Lane ang isang orihinal na kuwento ng apat na batang babaeng puno ng pag-asa at mga pangarap. Ipinapakita rin dito ang kahalagahan ng pamilya at mga kaibigan sa pagtupad ng mga ito. Dapat ding abangan ng mga manonood ang pagsasama-sama ng ilan sa mga pinakamaningning na Kapuso stars sa Philippine entertainment industry.

Bibigyang-buhay ng mga Kapuso teen actresses na sina Bea Binene, Kim Rodriguez, Joyce Ching, at Joanna Marie Tan ang mga lead characters na sina Clarissa, Jack, Dorine, at Lupe. Kasama rin sa cast ang mga promising Kapuso stars na sina Jake Vargas, Kiko Estrada, at Jeric Gonzales.

Ibinahagi ni Kim ang kanyang excite ment sa pagkakaroon ng challenging role sa Strawberry Lane. “Sobrang pressured po ako, pero masaya kasi first time kong magkaroon ng lead role sa primetime. I feel challenged dito sa role ko kasi boyish po ako rito, dati kasi girly talaga yung mga roles ko,” saad niya.

Masayang-masaya naman si Joyce sa pagkakasali sa pinakabagong primetime offering ng GMA Network. Ayon kay Joyce, “Masaya ako and excited, but at the same time pressured kasi primetime ito so medyo mataas ang expectation ng mga tao. Pero rito sa Strawberry Lane, ipapakita namin kung paano aabutin ang mga pangarap kahit maraming challenges.” 

Samantala, gagampanan naman ng mga respetadong television actors na sina Sunshine Dizon, Christian Bautista, TJ Trinidad, Ms Chanda Romero, at Sheryl Cruz ang mga mahahalagang karakter na makaka-apekto sa buhay ng mga apat na batang babae.

Ikinuwento ni Sunshine na swak na swak ang primetime series na ito sa panlasa ng mga Filipino viewers. “I’m very excited with this new project. Strawberry Lane is more of everything that the viewers want. Halos lahat nandito na – drama, family, friendship, and romance. It’s how we will be able to execute it na lang that will make it unique,” saad niya.

Ibinahagi naman ni Sheryl ang kanyang kagalakan sa GMA Network sa kanyang pagbabalik sa primetime TV. Ayon kay Sheryl, “I would like to thank GMA for all the support that they have been giving me. I’m happy that I will have the chance to work with these actors.”

Sa direksyon ni Don Michael Perez, ang Strawberry Lane ay tiyak na magiging well-loved drama series ng lahat ng mga manonood.

Abangan ang isang natatanging kuwento ng pag-asa at mga pangarap sa Strawberry Lane ngayong Setyembre sa GMA Telebabad.

 

DOC

DOC DENNIS

DOC GAB

GMA

KAPUSO

SA PUSO

STRAWBERRY LANE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with