Herbert nagpa-birthday sa makasaysayang Vera Perez Gardens
Christmas in August ang feeling kahapon ng entertainment press dahil sa birthday blow out na ibinigay sa kanila ni Quezon City Mayor Herbert Bautista.
Siyempre, invited ako sa bonggang event na ginanap sa Sampaguita Events Place sa Vera Perez Gardens dahil month of May ang birthday ko.
Ang mga entertainment writer na nagdiwang ng kaarawan noong January hanggang September ang pinaimbitahan ni Papa Herbert kaya sorry na lang sa mga reporter na October hanggang December ang birth month.
Hindi ako nagtagal sa birthday treat ni Papa Herbert dahil may Startalk kahapon.
Ang birthday treat sa entertainment press ni Papa Herbert ang isa sa mga unang showbiz related function sa historical Vera Perez Gardens.
Historical dahil sa mga pelikula na ginawa ng Sampaguita Pictures at mga artista na pinasikat ni Doc. Jose Perez.
Perfect sa big gatherings tulad ng binyag, kasal, at birthday parties ang Sampaguita Events Place dahil malawak at maaliwalas ito.
Naalaala ko tuloy na ikinasal noon sina Joey Marquez at Alma Moreno sa Vera Perez Gardens.
Hindi ko malilimutan na may nalaglag na bunga ng niyog habang ikinakasal ng pari sina Alma at Joey. Mabuti na lang, hindi sila nabagsakan ng nalaglag na bunga ng niyog or else, ‘yon ang naging big showbiz news noon.
Lorna dinarayo ang bagong organic product ng Flawless kaya naaksidente
Back to work na si Lorna Tolentino pagkatapos ng freak accident niya sa Greenhills Shopping Complex.
Ang gumamit ng back brace ang payo kay LT ng kanyang doktor at naremedyuhan naman ito sa kuwento ng My Destiny para may explanation sa biglang paggamit niya ng brace.
Nadulas si LT nang magpunta siya sa Greenhills branch ng Flawless para sa kanyang regular beauty regimen.
Para hindi na siya pumunta sa Flawless, si LT na lang ang pinuntahan ng mga facialist ng Flawless sa bahay niya sa White Plains.
Ang bagong organic product ng Flawless ang ginamit sa facial kay LT at nagustuhan nito ang resulta.
Nalimutan ko lang na itanong ang name ng organic product na dinarayo sa Flawless.
Annabelle gustong i-promote ang Cebu kahit natalo nung election
Nagsimula na ang taping ng second season ng It Takes Gutz to be A Gutierrez at kinunan ang mga eksena nito sa Cebu City.
Obvious na pinili ni Annabelle Rama ang Cebu dahil ito ang hometown niya.
Hindi man siya pinalad na mapaglingkuran ang kanyang mga kababayan, masidhi ang kagustuhan ni Bisaya na makatulong sa bayan na sinilangan niya. Gusto niya na ma-promote sa international scene ang kagandahan ng Cebu para puntahan ito ng mga turista.
Malaking boost sa tourism industry ng Cebu City kapag napanood ang mga tourist spot nito sa Season 2 ng It Takes Gutz to be A Gutierrez.
Pinakawalan sa social media ang galit, tv exec napuno na sa katrabaho
May namumuong iringan ang mga bossing ng isang TV network at ebidensya ang mga emote sa social media ng isang executive.
Very private person ang TV executive at para mag-emote siya sa social media, tiyak na nauubos na ang kanyang pasensya sa isang co-worker na tinawag niya na credit grabber.
Kris expert nang magmahal ng syota ng iba
Naaliw kay Kris Aquino ang mga nanood ng Abunda and Aquino Tonight noong Biyernes dahil ipinakanta niya sa isang PBB housemate ang Mahirap Magmahal ng Syota ng Iba.
May reason para matawa ang televiewers dahil swak na swak sa love stories ni Kris ang kanta ng Apo.
May ibang mga karelasyon sina Phillip Salvador, James Yap at Quezon City Mayor Herbert Bautista nang mahalin sila ni Kris.
Na-link din noon si Kris sa basketball player na si Alvin Patrimonio na may girlfriend din kaya naudlot ang kanilang pagmamahalan.
Kung may tao na makapagsasabi na mahirap talaga ang magmahal ng syota ng iba, si Kris ‘yon kaya akmang-akma sa mga love story niya ang lyrics ng kanta.
- Latest