^

Pang Movies

Dinadaan-daanan lang sa probinsiya Male celeb sa Mega-Manila lang kilala

SO..CHISMIS ITOH! - Ruel Mendoza - Pang-masa

Sobrang nagulat ang aming source sa nasaksihan niyang malamig na pagtanggap sa isang male celebrity na inakala niya ay sikat na sikat na ngayon.

Noong makasabay nga raw niya ito na dumating sa isang domestic airport sa Kabisayaan, inaasahan niya na pagkakaguluhan ito ng mga tao. Pero lumabas na raw ng eroplano, pumila na sa pagkuha ng bagahe at naglakad na ito sa airport ay wala man lang daw na tumili o nagpalitrato rito.

“As in, dedma ang mga tao sa kanya. Parang hindi siya kilala roon. As in, ordinaryong pasahero lang siya,” sey pa ng source namin.

Hindi naman daw naka-shades ang male celebrity at kung ano ang porma niya sa Manila ay ‘yun din ang hitsura niya. Pero talagang hindi siya kilala ng mga tao roon na artista siya.

“Ako lang yata ang nakakakilala sa kanya roon. Kasi ang tagal pa nga nilang naghintay ng susundo sa kanila sa labas ng airport. Pero wala man lang nagpalitrato sa kanya or tinawag man lang ang pangalan niya.

“Dinadaan-daanan lang talaga siya kaya nakakapagtaka. Eh ang dami na niyang mga shows na nilabasan, ‘di ba? Bakit gano’n? ‘Di man lang siya nakilala bilang artista?” pagtataka ng source namin.

Doon lang naniwala ang source namin na kulang pa sa push ang male celebrity. Hindi porke’t kilala siya sa Manila ay hindi ibig sabihin na kilala siya sa malalayong probinsya.

“Sa Manila lang pala siya kilala. Kapag dinala mo pala sa mga probinsya ang male celebrity, isa pala siyang ‘da who’!

“Hindi pang nationwide ang beauty niya. Pang-Mega Manila lang pala siya,” pagtatapos pa ng source namin.

Nadine dream come true ang bagong album

Natupad na nga ang matagal nang pangarap ni Nadine Lustre na magkaroon ng solo album.

Nagsimula na siya ng kanyang recording para sa naturang album na produced ng Viva Records. May duet pa sila ng kanyang ka-love team na si James Reid titled Paramdam, na love theme sa pelikula nilang Talk Back and You’re Dead.

Ibang-iba na raw ang mga songs na ni-record ni Nadine para sa kanyang album. Malayo na sa mga songs na dating inaawit niya noong buo pa ang grupo nila na Popgirls.

“Mas mature na po ang mga songs na binigay nila sa akin.

“Nasa tamang edad na raw po ako para kumanta ng mga songs about love, broken hearts and relationships.

“Kaya ko na raw pong i-emote iyon sa pagkanta ko,” sey pa ni Nadine.

Pati nga raw ang magiging cover ng kanyang album ay ibang Nadine Lustre ang makikita nila.

“Mas daring in a sense na hindi na pa-cute ang mga suot ko. Hindi na yung colorful tulad dati.

“May sophistication na. Tamang-tama na raw for my age.

“Pati rin ang make-up and hairstyle ko, for a mature lady na po talaga.”

JAMES REID

LANG

NADINE

NADINE LUSTRE

NIYA

PERO

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with