Umiiwas sa mga nali-link, Alex ang ate Toni ang unang gustong makasama sa pelikula

MANILA, Philippines - “Natutuwa po ako sa takbo ngayon ng career ko dahil aside from the very good feedbacks at magandang ratings ng Pure Love, kasama po ako sa Praybeyt Benjamin Part 2 para sa Metro Manila Film Festival (MMFF) sa December ng Star Cinema!” Ito ang todo ngiting sinabi ni Alex Gonzaga matapos siyang pumirma ng multi-picture contract sa Star Cinema nung hapon ng August 7 sa major conference room ng naturang movie production office. Kasama sa pirmahan ang mga magulang ni Alex na sina Pinty at Carlitos Gonzaga, Star Magic head honcho Mr. Johnny Manahan and Managing Director ng Star Cinema na walang iba kundi si Malou Santos.

Panay ang punch lines at pagpapatawa na ginagawa ng nakababatang kapatid ni Toni Gonzaga na sa kanyang off-white blazer ay naka-fitted hanging blouse na nare-reveal ang kanyang midrib na tunay namang nagpaseksi sa dalaga. Matching sa kanyang cobalt blue skinny pants at stilettos, napaka-ganda ng aura ni Alex. Pero nangibabaw pa rin ang pagiging natural niyang komedyante Salve A.!

Medyo emosyonal si Alex dahil sa panayam namin sa kanya eh talagang sinsero ang ibinigay niyang salita nang sabihin niyang “napakasaya ko po kasi ngayon, certified na talent na ako ng Star Cine­ma. Biruin mo isa sa pinakamalaking movie outfits sa bansa na gumagawa ng mga may tatak at saka makabuluhang pelikula, very proud akong maging part ng Star,” banggit ng dalaga. Nang tanungin muna siya kung sino ang gusto niyang makasama sa mga proyekto niya, maingat na sinabi ni Alex “gusto ko pong makatrabaho Ate ko po talaga,” maiwas niyang sagot para ‘di muna matanong kung sino ang preferred niyang leading man kung sakali. Pero sabay pag-punch line ni Alex na “si Ate gusto ko katrabaho para ‘pag may premiere night ang pelikula namin, eh…hiwalay ang ticket sales nang ganon eh…malaman natin kung sino talaga ang mas malakas, mas sikat mas may hatak,” nagtawanan tuloy ang lahat! “Actually ayoko naman na isipin ni Ate na may threat na talent sa kanya, ako iyon!” halakhakan na kaming lahat Salve A.!

Kaya naman na-excite si Alex para sa MMFF this December dahil sa pagiging cast niya sa Praybeyt Benjamin 2, “fan po ako ni Vice Ganda so looking forward po ako sa kung ano ang magiging storya. Pero higit sa lahat sabay kaming mag-boo-Boom Panes”! Tawanan na naman kami! Dagdag pa niya “ay atsaka makikilala ko na rin si Bimby (Aquino-Yap),” na isa rin sa mga cast members “kasi I know he’s a smart kid ‘di ba? At alam naman natin na ‘pag MMFF, event lahat ang mga pelikula kasi masayang season iyon eh so excited po ako”.

Pero hindi nakaligtas si Alex sa mga tanong kung sino ang iniisip na niyang leading man sa kanyang starring na pelikula. In-identify naman niya isa-isa ang mga celebrities na nai-uugnay sa ngayon sa kanya. “si Joseph (Marco) I’d say pareho kami ng wavelength” sabay pag-reveal niyang “ay alam po dati nga na-observe ko parang misteryoso si Joseph. Pakiramdam ko parang hindi ko yata siya magiging ka-close. Pero ‘pag nasa set na kami, siya pa ang nag-a-approach. Naging kakuwentuhan ko na. Then naisip ko one way or another na pareho kami ng wavelength,” sabi niya sa kasamahan sa Pure Love.

 Eh kung si Ryan Bang papayag ka bang maging leading man? “Ay may girlfriend na po si Ryan I understand so hayaan na natin siya. Let’s be happy for him.” Nung banggitin ang pangalan ni Arjo Atayde na openly nag-de-declare sa kanya ng emosyon eh “well dadating po tayo sa mga bagay na iyan at pag-uusapan natin dahil Star (Cinema) naman po ang mag-de-decide kung sino ang magiging leading man ko. Masaya lang po ako talaga, blessing ito sa akin ng Diyos,” sabi niya sa pagpirma ng kontrata sa Sta Cinema.

Matapos ang contract-signing ni Alex after only around eight minutes Salve A., dumating na’t pumasok sa conference room ang kanyang Multimedia Star na ate, para rin pumirma ng multi-picture contract sa naturang movie production company. “Naku Tita Malou, may maingay na sa office mo,” bulalas ni Toni patukoy sa kanyang kapatid na kumuha na ng Chicken Empanada sa mini buffet na siyang naka-set up para sa kanila. “Hindi ah kumakain lang ako dito gutom na ako eh,” sagot ni Alex na ikinatawa na naman naming lahat.

Sa pagharap ni Toni sa media, “wow here we are, I’m very happy kasi renewal ito ng contract ko sa Star Cinema.”

Walang binanggit ang Gonzaga Sisters kung anong genre ang malamang magiging staple ng Star Cinema para sa kanilang dalawa. Pero since naa-identify sila sa mga istoryang may comedy, pero may love na anggulo pa rin, “I always love doing the romantic comedies pero kung magkakaroon ng ibang genre why not for as long as fit para sa akin. It will always be a learning process,” sabi ni Toni.

Well, kaya nga siya isang aktres. At kung may natutunan man si Toni sa pagiging artista niya ngayon, alam niyang hindi siya puwedeng maging kampante dahil tuloy-tuloy ang ika nga learning process sa pag-aartista. May mga dumarating ding mga bagong talents o kaya nagbabago ang panahon at mabilis na ang ika-nga ‘turn-over’ celebrity label from one artista to another kaya alam niyang ang sinasabing new leaf, reinvention at something to offer ay dapat binibigyang pansin ng bawat artists kaya niya sinabing “one thing I’ve learned with Star and sa pag-aalaga ng ABS-CBN sa career ko eh hindi lahat ng araw eh Pasko. There will be hits and misses that’s why for every project na gagawin natin, I make it a point to always give my best effort kasi ayokong may ma-disappoint sa dine-deliver kong performance. Star Cinema helped me so much sa pagiging kung sino at ano man ako today. Kaya minamahal ko ang trabahong ito”.

Show comments