^

Pang Movies

Doon na rin nag-workshop JC sa shooting na nabasa ang script ng Once…

YSTAR - Baby E - Pang-masa

Hindi itinatanggi ni Enrico Santos, executive producer ng Skylight Films, co-producer ng Once a Princess, with Regal Entertainment, na may ilang binago for screen purposes, kung baga, sa original content ng story nito, na base sa librong sinulat ni Angel Bautista.

Halimbawa, sa libro, a certified bestseller, si Damian (JC de Vera), na isang wife beater na napangasawa ni Erin (Erich Gonzales) is 45 years old.

Pinababa ng production ang edad ni Damian para maging ideal sa edad ni JC.

Pero sa kabuuan, ayon mismo kay Santos, lumalim at lalong gumanda ang istorya ng Once a Princess.

Asked if the author, Bautista, was aware sa mga pagbabagong ginawa nila sa istorya nito, ang sagot ni Santos, “yes, naman. We owe that to her,’’ aniya.

‘‘We are glad, binigyan niya kami ng liberty to make the necessary changes, which, we think, will make Once a Princess, more appealing to the moviegoers.’’

‘‘Me,’’ ani Erich, was able to read the book in one seating, matapos siyang bigyan ng kopya nito, after pumayag siyang gawin ang movie. ‘‘Ako, I love the story in its, wika nga, originality.

‘‘But after watching the movie, mas lalo akong humanga sa naging kuwento nito.

‘‘Sometimes talaga, kailangan baguhin mo ang ilang bagay, maging sa iyong sarili, halimbawa, para lalo maging mabuti at maayos kang tao,’’ susog pa ni Erich.

While it’s not the first time na magkasama sa isang project, mapa-TV o mapa-pelikula nina Erich at Enchong Dee, first time naman ito for JC na makatrabaho ang dalawa.

Kuwento ni JC, sa shooting na mismo ng pelikula lang niya nahawakan ang script.

‘‘Sa set na rin mismo ng pelikula ako pinag-acting workshop ni Direk Laurice (Guillen).

‘‘It was not easy,” pag-amin ni JC. ‘‘Pero, dahil both Erich at Enchong were tremendously understanding of my plight, if it can be called such, ‘‘gumaan,’’ kahit papaano ang pakiramdam ko.

‘‘Tingin ko nga, when I finally saw the rushes ng Once a Princess, I did more than expected.’’

One a Princess opens in theaters nationwide, starting tomorrow, Wednesday, August 6.

Joey, Anjo, at Jomari inuna ni Goma para manahimik

Richard Gomez finds an excuse to reunite with his former sitcom (remember, Palibhasa Lalaki) co-stars, Joey Marquez and Anjo Yllana, via his new game show, Quiet Please! Bawal ang Maingay which will start airing Sunday, August 10, 8:00 p.m., on TV5.

Makakasama ng dalawa ang dating favorite leading lady ni Goma (Richard’s pet name among his colleagues), si Snooky Serna.

Since each episode requires six competing contestants, divided into two groups, tatlu-tatlo in each group, ang tatlong celebrities na ‘‘makakalaban’’ nina Joey, Jomari at Snooky, ay sina Alice Dixson, Derek Ramsay, at Wendell Ramos.

All six of them are given tasks which they have to accomplish as silently as possible. They are only given a few seconds to finish the task.

Habang patuloy ang paglalaro nila, any form of pag-iingay, gawa man nila o hindi, ay sapat nang dahilan para ma-eliminate ang isang contestant from the race.

‘‘It’s an exciting game show,’’ ani Richard, who co-hosts the program with K Brosas. ‘‘And the prizes at stake mas nagpapa-excite, na mararanasan ng bawat contestant.

‘‘Ito rin ang paraan, para malaman nilang they are capable to become quiet, maski lang for a few minutes.

‘‘As it is, that, in itself, is a big challenge na, ‘di ba?’’

 

ALICE DIXSON

ANGEL BAUTISTA

DAMIAN

DEREK RAMSAY

DIREK LAURICE

ENCHONG DEE

ERICH

ERICH GONZALES

GOMA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with